Chapter 3 || The Unknown

82 17 6
                                    

Vote/Comment/Follow! ^___^

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Sa oras na ito ay hindi talaga ako makakibo. Suot ko pa naman ang damit ni Jael. Sana walang negatibong sasabihin sa akin ang babaeng ito. Teka, ano ba talaga ang relasyon ng babaeng ito kay Jael?

"How's you, my son?," sabi ng babae. Tumpak! Mommy nga niya ang babaeng ito. "Kumakain ka ba ng maayos? Sinusunod mo ba ang mga bilin ko sa'yo?"

"Yes, ma." Sagot niya then tumingin siya sa akin.

Ay, alam ko na ang gusto mong iparating sa akin Jael. Na huwag kong sabihin ang totoo about sa school . . . ?

"And who are you?" Nagulat ako sa tanong niya, hindi naman ako kaagad makapagsalita. "Jael, girlfriend mo ba siya?"

Pero hindi niya hinintay na makasagot si Jael at lumapit siya sa'ken, "well, I'm glad to meet you! What's your name?"

"Marie Westwood po, ma'am."

Nakakahiya naman. Napagkamalan pa tuloy akong girlfriend ni Jael. Well, gusto naman talaga iyon, eh. Kaso, mas gusto ko kung totoo. Hehehe . . .

"Oh! Why you're wearing my son's shirt?"

Heto na nga ba ang sinasabi ko. Pero bago ako magsalita, may sinabi pa siya . . . "Dito ka ba natulog kagabi?"

"O-opo ma'am."

Naku! Jael, help me! Ikaw kasi ang dahilan kung bakit ako napunta sa bahay nyo! Teka, nasaan na ba ang lalakeng iyon?

"So, you mean, magkasama kayo buong gabi?"

Patay! Baka sampalin niya ako! Hindi lang isang beses . . . baka dalawa . . . o tatlo!

"Well, matagal ko ng hinihintay na mag - uwi siya ng girlfriend niya sa bahay niya . . . "

W-what? At gusto pa niya iyon?

"Ngayon lang kasi nangyari ito, eh."

Sandali nga lang, baka naman . . . Jael is gay?
No . . . No way! Hindi halata . . . Hindi iyon pwedeng mangyari!

"Wala naman siyang ikinukwentong babae sa akin . . . "

___

Matapos kumain, binigay ni manang sa akin ang damit ko. Wala na 'yung suka syempre nalabhan na. Pumunta ako sa kwarto ni Jael para makapagbihis, at nang alisin ko na ang t - shirt na suot ko, nakita ko sa salamin ang result ng natapong kape sa'ken ni Jael. Sa tingin ko, mag - iiwan ito ng peklat. Pero, hayaan na lang, naka--- .

"Ahhh!!!"

Napasigaw ako nang pumasok si Jael sa loob ng kwarto! Of course, agad kong tinabunan ang katawan ko ng damit niya na nagamit ko. Galit siyang tumingin sa akin . . . ! Bakit ganun? Tumitig pa siya ng galit sa akin sa halip na takpan ang mga mata niya.

"Balak mo ba talaga na ipakita sa akin ang katawan mo?" Tanong niya sa akin. Naku! Nakalimutan ko nga pala na i - lock ang pinto! Pero wala talaga sa utak ko na papasok siya kasi nga iba ng iniisip ko.

"Malay ko ba na papasok ka kaagad dito! Eh, samantalang naroon ka sa garahe nyo kanina . . . "

"Kanina 'yun! Andito na ako ngayon." Pagkasabi niya ay kinuha niya ang long sleeve na nakasabit. "Bakit hindi ka gumamit ng CR para magbihis?"

"Sandali, puro suka ang long sleeve na iyan. Iyan ba ang nasukahan ko? Ako na ang maglalaba!"

Kukuhanin ko na sana pero hindi ko magawa dahil sa sitwasyon ko ngayon. Kailangan ko ng magbihis. But, napatigil ako nang magsalita siya . . .

Endangered Secret (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon