Chapter 1 || School Embarrassment?

231 28 13
                                    

Maraming problema sa mundo , . . like heart problem. Hindi ko alam kung bakit siya pa. Alam kong sasang-ayon kayo na, napakasakit mawalan ng minamahal. And this story, my story, i want all of you to read. Na ako, ako ay walang nagawa, at wala naman talagang magagawa para sa lalaking mahal ko . . .

At dito nagsimula ang story naming dalawa . . .

Maaga akong pumasok ng school, ganyan naman talaga kapag unang araw. Pagkapasok ko ng room, ilan sa mga classmates ko noon ay narito pero hindi ko sila ka - close kaya sa may bandang hulihan ako naupo. Sa right side ko ay wala pa ding nakaupo. Hindi pa rin nagsisimula ang klase. Hanggang sa . . . nagfiesta ang mga mata ko ng makit ko yung lalaking tumambad sa may pintuan.

"Excuse, sir. Dito daw po pala ako ," sabi niya sa teacher. Pinapasok siya at naghanap ng mauupuan. At naku ! Ang mga babae, kilig na kilig at panay ang tingin sa kanya. Tumingin siya sa kanang upuan na katabi ko at ng time na yun, sinasabi ko sa sarili ko na sana doon siya umupo. At Yaahaay !!! Ganoon nga ang nangyari! Nakabigsmile pa ako!

"Miss, are you okay?? " , ang biglang tanong niya na ikinagulat ko. Napatitig ako sa mukha niya at . . . grabe! Sobra talaga ang gwapo niya! Tapos sa kilos , porma at pananalita niya , parang napaka professional niya.

"Ahm, okay lang ako. Mukhang bago ka lang dito. Bakit, ayaw mo na ba sa dating school mo?" Feeling close naman agad ako. Curious lang naman.

"Makatuwiran ang dahilan ko, and you don't have to know." Iyon lang ang sinabi niya at hindi na nagsalita pa. Pero hindi iyon ang sagot na gusto kong malaman. Hitsura pa lang at porma niya, halatang napakayaman niya. Kaya bagay siya sa mamahaling university, hindi sa ganitong school. Pero, ano nga ba ang sinasabi niya na . . . 'makatuwirang dahilan?' Malalaman ko rin iyon !

___

Pinagmamasdan ko siya. Pero hindi ko naman hinahayaang maabutan niya akong nakatingin sa kanya. Sa tingin ko, napakatahimik niya. Para bang lagi siyang may iniisip.  ' Reujael Ivan ,'  tawag ni sir sa may pangalang iyon, hehe nag - aatendance pala! Biglang sumagot ang gwapo kong katabi at itinaas ng bahagya ang kamay ,  ' Sir! '

Ang pangalan pala niya ay Reujael. Ngayon ko lang narinig ang pangalang iyon. Mahusay siya sa klase pero kapag tapos na, hilig niya ang mag - gitara. Kaya, lalo pang na - in love ang mga babae . . . pati na rin ako. Madalas siyang pagkaguluhan ng mga babae pati na rin ang mga kunwari'y babae. Pero hindi naman ako katulad nila. "Hay naku! Ang mga babaeng ito. Bakit hindi ninyo gayahin si Marie? Tingnan nyo, ang tahimik niya . . . "  Sabi ng classmate kong lalaki habang itinuturo ako. Ngunit nabigla ako sa idinagdag pa niyang ,  " . . . at nakatingin lamang kay Jael."

Nanlaki talaga ang mga mata ko at napatingin kay Reujael. Napatigil siya sa paggitara ng marinig iyon saka tumingin saken. Hiyang - hiya naman talaga ako sa kanya! Kaasar!

___

Hapon na at nagsisiuwian na ang lahat. Malapit na ako sa may gate nang makita ko si Jael. Kausap niya siguro ang driver niya, pero bakit parang galit siya?? Hindi naman ako tsismosa. Pero gusto ko lang talaga malaman kung bakit siya galit. Kaya lumapit ako ng hindi nagpapakita, of course. Hanggang sa marinig ko na ang pinag-uusapan nila.

"Sir, hindi po pwede ,eh. Kailangan na po nating umuwi,"  sabi ng driver sa kanya, pero iginigiit pa rin ni Jael ang gusto niya.  "No! Kung hindi mo ako sasamahan, umuwi ka na. Kaya kong mag - isa! "

Endangered Secret (On Going)Where stories live. Discover now