35

13.1K 88 6
                                    

"...fresh from Costa Rica, Donna Robles." Tapos nagpalakpakan yung mga tao. Nagulat ako sa sinabi ni mama. Tinignan ko yung babaeng naglalakad papalapit dito sa stage. Isang babaeng naka blue na long gown. Masyadong fit yung gown nya kaya kitang kita yung shape ng katawan nya, idagdag mo yung mahabang hati sa damit nya, hindi ko alam kung anong tawag dun pero yung hati na simula sa may hita nya hanggang dulo ng gown, kitang kita ang maputi at makinis nyang legs. Papalapit sya ng papalapit at dun ko nakita kung sino talaga yung babaeng papunta ngayon dito. Sya nga, si Donna nga. Pero bakit? Bakit sya nandito at pinakilalang girlfriend ko? Parang ganito din yung nangyari nung birthday ko last year ah. Umakyat sya sa stage, nakipagbeso sya kay mama at papa tapos tumigil sya sa harap ko at ngumiti.

"Happy birthday, babe." Tapos hinalikan nya ko sa labi. Ang lambot talaga ng labi nya. Humiwalay sya sa halik. Punyeta. Bakit smack lang yun? Bitin. More! More! Ngumiti nanaman sya at yumakap sakin. Nararamdaman ko yung hininga nya sa may bandang tenga ko. "You will thank me for this, Eli." Bulong nya sakin tapos humarap na sya sa mga tao at nagpalakpakan nanaman sila, syempre hindi nagpahuli yung press, picture dito, picture doon ang ginagawa nila.

"So as you all know, this lovely lady in front of us tonight just came back from her dearest homeland, San Jose Costa Rica. She is our son's girlfriend. Let's give them a hand together." Nagpalakpakan yung mga tao, uto-uto ba ang mga 'to? Tsk. "So, Chris, how was our surprise for you? Did you like it?" Tapos tinapat sakin ni mama yung mic. Gusto ko sanang sabihin na, 'oo. Surprise na surprise ako.' Pero nagulat ako kasi hinawakan ni Donna yung kamay ko tapos pasimple syang nagsalita.

"Just pretend. Just like what I told you, you'll thank me for this later." Tapos ngumiti sya. Grabe! Walang dudang member sya ng drama club. Tsk.

"A-ah, eh! Syempre! Masayang-masaya ako. Namiss ko kaya 'tong girlfriend ko." Tapos inakbayan ko sya. "Hmm, miss na miss ko 'tong babe ko." Tapos hinalikan ko sya sa noo, yung mga bisita naman, mga nagsipag-'ayie' na akala mo nanood ng teenage drama. "Anyway, thank you for coming and celebrating my birthday with me tonight. Enjoy this night and satisfy yourselves." Tapos hinila ko si Donna pababa ng stage pero naharang kami ng isang grupo ng mga press.

"Mr. Elijah and Ms. Donna, pwede ba namin kayo mainterview? Just a couple of questions." Sasagot sana ako ng hindi pero sumingit si Donna.

"Of course, of course. We'll be glad to answer those questions." Ngumiti sya sa press at sakin. Ano bang problema ng isang 'to?

"Ah, Donna, you left four days after your race at Clark Speedway, right?" Tumango sya. "Bakit? At saka sino yung kasama mong bumalik doon at yung escort mo nung nagbirthday ka doon?" Tanong ng isang reporter. Escort? Ah, nabalitaan ko nga yung engrandeng celebration nya dun. Invited lahat ng kilalang personalidad sa lugar nila, nandun nung debut nya.

"I needed to go back there for personal reasons." Tapos tumingin sya sakin. Oo na, ako na yung personal reason na yun. Hirap maging gwapo. Tsk. "And the guy who accompanied me and my escort for my birthday was a friend of mine, Jonathan Salas. He's my childhood friend."

"Yung personal reason ba na yun ay may kinalaman sa inyo ni Elijah Fernandez?" Tanong ng isa pang reporter. Napansin ko namang parang natigilan sya. Tss. Bingo! Yun lang pala magpapatahimik sayo ah. Haha!

"Of course, not. Eli and I never had a problem when it comes to our relationship. I went back to San Jose to do some projects. I was given a chance to be a part of their musical variety show there at para na din makasama ko yung brother ko. Dun ko na din tinuloy yung studies ko."

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon