11

17.5K 143 3
                                    

Ngumiti sya tapos tinap nya yung bed nya. "Babe, lapit ka nga sa akin." Lumapit naman ako.

"Bakit, Eli? May problema ka ba? Ay teka, kukunin ko lang yung binili kong gamot para mas makatulong sa pag galing mo." Nagpunta ako sa kitchen tapos kinuha ko yung gamot and kumuha ako ng isang basong tubig at bumalik na sa room nya. Nung bumalik ako, I handed him the tablet and the glass of water. "Take this. This will help you feel better." Kinuha naman nya tapos ininom nya.

"T-thanks, babe." Hawak - hawak nya yung baso sa kanang kamay nya.

"Tapos ka na uminom? Akin na para hindi mo hawak yan." Binigay naman nya sa akin yung baso tapos pinatong ko sa table kasama ng soup bowl na nakalimutan kong dalhin sa labas nung nagpunta ako sa kitchen kanina. "May kelangan ka pa?" Umiling sya tapos tumingin sa akin.

"Wala na. Wala na kong kelangan. Except sayo." Nakatingin lang ako sa kanya. "Dito ka muna please?"

"I'm here."

"Dito." Tapos tinap nya yung kama nya.

"Eli naman eh. Akala ko ba may sakit ka? Bakit ang lakas mo pa din mangtrip?"

"Seryoso ako, babe. Please? Dito ka muna. Tabi tayo kahit one hour lang. Hindi kita iinisin. Tabi lang tayo dito sa kama ng magkayakap. Hindi din kita re-rapin." Medyo tumawa sya pero halatang may sakit sya sa tawa nya. Nagsigh ako tapos medyo umiling.

"Pasalamat ka at may sakit ka." Tapos naglakad ako papunta sa kama nya at nahiga. Niyakap nya ako tapos hinalikan sa noo.

"Ang bait mo sa akin ngayon, babe. Sana pala palagi akong may sakit." Tumawa sya.

"Baliw ka ba? Wag ka ngang magbiro ng ganyan." Naupo ako kasi hindi ko nagustuhan yung joke nya. Syempre kahit sinong tao ang magsabi sa akin na sana palagi na lang syang may sakit, maiinis ako. Ang sarap kaya ng walang sakit.

"Sorry na. Babe naman oh."

"Hindi kasi nakakatuwa."

"Kaya nga sorry na. Mahiga ka na ulit." Hinawakan nya yung kamay ko at hinila pahiga sa kama.

"Wag ka na ulit magjojoke ng ganun, okay?" Nagnod sya tapos niyakap nya ako. Niyakap ko din sya. Ngayon lang 'to. May sakit kasi sya.

"Sorry babe."

"Apology accepted. Teka, paano ka ba nagkasakit? Nagpaulan ka ba kahapon?" Magkayakap pa din kami.

"Hindi. Nagpractice kasi ako. Ayun, napawisan. Hindi kaagad nakapagpalit ng damit."

"Ang sensitive naman ng katawan mo."

"Ganun talaga. Gwapo kasi ako eh."

"Oo na lang. Sensitive ng katawan mo, hindi ikaw." I joked tapos tumawa ako.

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon