4

21.3K 210 6
                                    

"HOY! ANO BANG PROBLEMA MO HA?! KAGABI, HINALIKAN MO KO TAPOS NGAYON, PINAKILALA MO KONG FIANCE MO SA HARAP NG MGA BISITA!! TAPOS KANINA PA TAYO MAGKAUSAP, HINDI MO MAN LANG SINABI NA IKAW PALA YUNG MAY BIRHDAY! ANONG KLASENG TAO KA BA?! HINDI KA NA NAHIYA, PINAKILALA MO KONG FIANCE MO TAPOS GOVERNOR YUNG DAD MO TAPOS MAY MGA PRESS PA TAPOS NANDUN YUNG MGA MAGULANG TAP----" Bigla syang nagpreno kaya napatigil ako sa pagsasalita at muntik nang sumubsob sa windsheild nya. Nagulat naman sya sa nangyari kaya napaharap sya sakin at tinignan ko sya ng masama.

"HAIST! ANG LAKAS NG BOSES MO! HINAAN MO NGA! NASA LOOB TAYO NG SASAKYAN OH! OO NGA. AKO NGA SI ELIJAH CHRISTOFER. BAKIT? NAGTANONG KA BA? TINANONG MO LANG NAMAN KUNG BAKIT AKO NANDUN SA PARTY AH! TSAKA AKO BA YUNG NAG-INTRODUCE SAYO? DIBA SI MAMA?! BAKIT AKO YUNG SINISIGAWAN MO? WAG KANG SUMIGAW SAKIN." Ano 'to, pahabaan kami ng litanya?! Ibang klase. Yung mga ugat nya sa may leeg nya, lumalabas. Bakit ang hot nya?! Tae. Erase, erase yun.

 "AKALA KO BA WAG AKONG SUMIGAW?! EH BAKIT PATI IKAW NAKA-SIGAW KA?! BALIW KA BA? HA? HINDI MO MAN NGA LANG AKO PINAPATAPOS SA SINASABI KO! KAHIT SINO PANG NAGSABI NA FIANCE KITA, ANG KAPAL NG MUKA MO PA DIN! BA'T AKO MAGPAPAKASAL SA ISANG BABAERO?! KUNG IKAW, HINDI KA NAHIHIYA PWES AKO SOBRANG NAHIHIYA AKO. NAKAKAHIYA YUNG NANGYARI KANINA! NAKAKAHIYA YUNG NANGYARI KAGABI. NAKAK-----" Napatigil ako sa pagsasalita nang marealize ko kung ano yung huling sinabi ko. Bakit ba?! Nakakahiya naman talaga ah?!

"ANO BA KASING IKANAHIHIYA MO? MAGANDA KA NAMAN, MABAIT, MUKHANG MATALINO, MAGALANG, FRIENDLY. ANO BANG KAHIYA-HIYA KUNG IKAW YUNG PINAKILALA NI MAMA NA FIANCE KO? WALANG NAKAKAHIYA DUN! TSAKA YUNG KAGABI, SABI KO NAMAN SAYO NA KALIMUTAN MO NA YUN DIBA?! TSAKA KUNG NAHIHIYA KA, BINABAWI KO NA YUNG SORRY KO. HINDI AKO NAGSISISI NA HINALIKAN KITA AT HINDI AKO NAHIHIYA NA PINAKILALA KANG FIANCE KO!" Dirediretsong sabi nya tapos napatingin sya manibela. Nakakainis sya! Walang modo! Feeling ko naging kulay kamatis ako sa sobrang pula dahil sa mga sinabi nya buti na lang medyo madilim yung nahintuan nyang lugar. Sa sobrang inis ko, bumaba ako sa sasakyan nya.

"Ugh! Nakakainis sya! Feeling nya natutuwa ako sa mga nangyayari?! Lord, sabi ko po magbabagong buhay na ako dahil break na kami ni Francis. Ano 'to? Bakit ganito? Bakit nakilala ko ang isang Eli Fernandez? Amp! Yung mga sinasabi nya, jusko Lord! Gagawin nya ata akong bola ng basketball dahil sa galing nya mangbola. Bwisit na yun! Hindi sya nagsisisi na hinalikan nya ako? Pwes, ako nagsisisi akong sumama ako sa kanya kagabi. Bwisit. Bwisit." Sabi ko habang naglalakad ako back and forth with hand gestures pa.

"Pumasok ka na sa loob. Madilim dyan, delikado." Sabi nya habang nasilip sya sa window ng sasakyan tapos binuksan nya yung headlight ng sasakyan nya para may konting ilaw. Eh duh?! Nasa gilid kaya ako. Ano ba yan. Shunga naman pala 'to. Tinignan ko lang sya tapos naglakad lakad na ulit ako, back and forth. "Ano ba? Huy! Nahihilo ako sayo. Wag ka ngang magpalakad lakad. Natatae ka ba?!" Tumigil ako sa paglalakad tapos tinignan ko sya at naglakad papalapit sa kanya.

"Who told you to look at me? Huh? If you're getting dizzy, then don't look at me. Dumbass." Tapos naglakad na ako papunta sa harap ng sasakyan nya at dun ako naglakad ng naglakad para mas mainis sya.

"Sumakay ka na kasi. Sabing delikado dyan."

"Mas delikado pa ata pag nasa loob ako ng sasakyan mo." Tapos pinaglaruan ko yung bato na nakita ko at sinipa - sipa ko yun habang naglalakad ako. Lumabas sya ng sasakyan nya pero hindi ko sya pinansin. Hmp. Bahala sya sa buhay nya.

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon