25

14.3K 104 6
                                    

Jon's POV

"Lan, Ny. Labas lang ako." Sabi ko dun sa dalawang nag-iinuman.

"San ka?" Tanong ni Johnny.

"Dyan lang. Maglalakad-lakad, magpapahangin." Sagot ko naman.

"Ge. Balik ka bago mag 10pm ka--"

"Kasi 8am yung simula bukas. Oo na. Alam ko na yan." Pinutol ko yung sinasabi ni Allan tapos lumabas na ko ng Villa. Oo, naka villa kaming apat. All expenses paid by CRA-Philippines.

Lumabas ako tapos naglakad lakad ako. I didn't bother to bring a car since me and Johnny used his car to get here. Nagpunta ako sa isang souvenir shop at nagtingin tingin ng kung ano-ano. A blue hair tie captured my eyes.

"Sigurado akong magugustuhan 'to ni Donna." I looked at the girl beside me and she took the blue hair tie that I was about to get.

"Excuse me?" Tumingin yung babae. "Ako ang kukuha ng hair tie na yan." Kinuha ko sa kamay nya yun at naglakad papunta sa cashier pero nagulat ako nang bigla nyang hinablot sa kamay ko yun.

"Akin na 'to. This is for my best friend." Piliit nya yung mata nya tapos nag roll eyes sya sakin.

"Akin na yan. Para yan sa mahal ko." Inagaw ko sa kanya yung hair tie at itinaas ko. Dahil maliit sya, hindi nya maabot yun kaya tumatalon-talon pa sya para lang kunin yun.

"You jerk! Give it back to me."

"Sinong tinawag mong jerk? Akin na 'to."

"Akin na yan. Ako unang kumuha nyan!"

"Ako ang unang nakakita nito."

"Para yan sa be---"

"Ma'am, sir, wag na po kayong magtalo. May stocks pa po kami ng item na yan." Napatingin ako dun sa saleslady na lumapit samin. "Nandun po." Tinuro ng saleslady yung lalaking nakatayo sa may stock room ata yun.

Binato ko yung hair tie dun sa babae. "Oh sayo na yan. Kukuha ako ng stock nila para FRESH pa!" Binigyang diin ko yung salitang fresh tapos naglakad ako papunta dun sa lalaki.

"ILL-MANNERED JERK!" She shouted but I didn't waste my time to answer her back.

"Ma'am, kukunin nyo po ba 'to?" Mahinhin na tanong ng saleslady dun sa pandak na babae.

"IKUHA MO KO NG STOCK!" Pagalit na sagot nya. Nagsmirk ako at lumapit na dun sa lalaki.

"Yung blue hair tie." Binigay naman nya kagad yung hinihingi ko kaya naglakad na ko papunta sa cashier at nagbayad.

Pagkagaling ko dun, pabalik na sana ko sa villa kaso nakita ko yung babae sa shop kanina. Ang ganda ng sasakyan nya. Bagay sa kanya yung Mazda Rx8 na pula. Tinignan ko lang syang maglakad pasakay sa sasakyan nya pero napansin nya atang nakatingin ako kaya humarap sya sakin.

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon