23

16.5K 120 35
                                    

"Hindi ba talaga ko pwedeng sumama sayo sa training mo?"

"No, you can't. You have to attend your classes and your basketball trainings as well. Besides, magkikita naman tayo sa araw ng competition eh. You're coming, right? You're gonna cheer for me, babe?" Nagnod sya at tapos niyakap ako.

"Iba pa din kapag nandun ako habang nagte-training ka. Tsaka pano kung may mangyari sayong masama? Sinong magbabantay sayo dun?" We laid down on my bed and he cuddled me.

"Ano ka ba naman?! The three dudes will be there for me during the training. Kaya wala kang dapat ipag-alala." Hindi sya nagsalita instead, isiniksik nya yung muka nya sa leeg ko. "Okay, you can visit me on weekends."

"Weekends lang?! Gusto ko imbis na sila yung isama mo, ako na lang. Bakit ba kasi kelangang sila pa yung isama mo at hindi na lang ako? Siguro may gagawin kayo dun no?" I can feel his breath on my neck. It's giving me chills. Nilagay ko yung kamay ko sa buhok nya at hinaplos-haplos at pinaglaruan ko yung buhok nya.

"Oo. May gagawin kami dun. Magte-training ako. Babantayan nila ko tsaka interesado silang makita yung ibang mga sasakyan dun. Tutulong din sila sa paggawa at pagcheck kay Silvia, yung sasakyan ko. Gamay na kasi nila ang pag-aayos nun. Kaya wag ka nang magduda. Gets?" Naramdaman ko ang mabagal na pagtango nya. Inalis nya yung muka nya sa leeg ko at humarap sakin.

"Mamimiss kita." Nagpout sya kaya ngumiti ako.

"Mamimiss din kita. Wag kang mambabae pag-alis ko ha? Behave ka lang dapat. Ide-date ko si Jon kapag nangbabae ka." Nagpout nanaman sya tapos niyakap nya ko.

"Alam mo namang ikaw lang eh. Forever and always diba?" Sabi nya habang yakap-yakap nya pa din ako.

"Sorry, babe."

"Sorry saan?" Hinarap nanaman nya ko sa kanya. This time may pagtataka na sa muka nya. "May kasalanan ka ba? Iiwan mo na ba ko? Ano? Sorry saan?"

"Kasi nagdududa ako palagi sayo. Lagi na lang kitang pinagdududahan na may babae. Ewan ko. Hindi ko alam kung saan ko nahuhugot yung mga hinala na yun pero sa tuwing naiisip na dati kang playboy, hindi ko mapigilang mag-isip ng ganun. Sorry, babe ha? Sorry kasi lagi na lang akong TH pag dating sayo. Hindi ako palaging naniniwala sa mga sinasabi mo. Lagi akong nagdodoubt sayo. Sorry, babe. So---" Hindi ko na naituloy pa yung sasabihin ko kasi bigla nya akong hinalikan. Nung humiwalay sya, ngumiti sya tapos bumalik nanaman sya sa pagkakayakap sakin.

"Ang sweet mo naman, babe. Okay lang. Naiintindihan ko kung may pagdududa ka sakin. Sorry din kung nasasaktan kita ng hindi sinasadya, physically and emotionally. Pero pangako, pinipilit kong magbago. Pinipilit kong wag pansinin yung mga babaeng yun kasi may girlfriend na ko at walang kagaya yung girlfriend ko kasi nag-iisa lang sya. Magiging mabuting boyfriend ako. Kung si Maya Dela Rosa ang best yaya in the world ni Abby, ako ang magiging best boyfriend in the universe mo." We both wiggled sa sinabi nya.

"Baliw ka talaga. Kinumpara mo pa yang sarili mo sa Be Careful With My Heart." Natatawang sagot ko.

"Oo, babe. I'll be careful with your heart."

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon