14

18.1K 152 2
                                    

"Ay babe, nagtext pala si mom kanina. Sabi nya dun daw tayo magdinner sa inyo." Sabi ko kay Eli habang nagda-drive sya.

"Bakit daw?" Nagshrug ako lang ako tapos medyo inihiga ko yung seat ko.

"Hindi ko alam eh. Basta sabi lang sa akin, we'll be having dinner at gov's tonight. Please tell Eli." Tapos nilagay ko yung kanang kamay ko sa likod ng ulo ko.

"Ah. Okay. Ano naman kayang meron at dun pa natin kelangan magdinner. Si papa talaga."

"Ikaw talaga. Baka namiss ka lang ng parents mo." Tapos pumikit ako. Pero nagulat ako nang biglang hinawakan ni Eli yung kaliwang kamay ko kaya dumilat ako at tinignan sya.

"Hindi mo ko iiwan mamaya, diba?" Seryosong sabi nya tapos habang naka-focus sya sa pagdadrive.

"Oo. Diba sinabi ko naman sayo na hindi kita iiwanan. The only time, I'm going to leave your side is when you will tell me to leave. Now, I'm going to ask you, do you want me to leave?" Umiling sya tapos hinigpitan nya yung pagkakahawak nya sa kamay ko.

"I'm never gonna ask you to leave. Sa ngayon, like pa lang 'tong nararamdaman ko, ayaw na kitang paalisin, paano pa kaya bukas o sa mga susunod na araw na kapag naging love na 'tong nararamdaman ko para sayo? Hindi na ko na gugustuhin pang mawala sa tabi mo." Tuminginn sya sa akin sandali tapos binalik nya yung tingin nya sa kalsada.

"Yun naman pala eh. Nandito lang ako. Everything will be fine. Everything will turn out right. Maaayos na yung kung ano mang mali sa pagitan mo and ng parents mo. Trust me, I can feel it." Tapos pinatong ko yung kanang kamay ko sa kamay nya na nakahawak sa kaliwang kamay ko. Tinignan nya ako at ngumiti.

"Thank you, babe. Hindi ako nagkamali ng pagpili sayo." Ngumiti ako tapos hininto na nya yung sasakyan tapos bumitaw sa pagkakahawak nya para ihand brake yung sasakyan. Niyakap nya ako tapos bumaba na kami ng sasakyan at tinulungan nya ako magpasok ng gamit ko. Hindi naman masyadong madami. Dalawang sports bag lang yung nasa locker ko kasam na yung racket ko kaya lang may mga dala akong libro at kung ano-ano pang assignments na binigay ng mga teachers kanina. Dinala namin sa kwarto ko yung mga gamit ko kasi kapag nakita ni mom na sa sala ko nilagay 'to magagalit yun kasi makalat daw. Okay lang naman kay mom na paakyatin at papasukin ko si Eli sa kwarto ko kasi daw "boyfriend" ko naman daw sya.

"Sige, ibaba mo na lang dyan." Binaba nya yung dalawang bag ko tapos binaba ko na din yung school bag at books ko. "Thanks, Eli." Sabi ko sa kanya tapos naghugas ako ng kamay sa bathroom tapos kumuha ng damit. Tinignan ko sya kasi ang tahimik nya. Pagtingin ko nakapout sya. "Oh bakit ka nakapout dyan?"

"Hindi mo kasi ako tinawag na babe. Simula nung sinabi mong 'me gustas mucho, Eli' hindi mo pa ulit ako tinatawag na sa pangalan ko. Ngayon lang ulit. Feeling ko tuloy bumabalik yung dating ikaw. Yung masungit." Sabi nya tapos nagpout ulit sya. Hindi ko mapigilang matawa sa inaarte nya ngayon. Nasaan na yung babaerong Eli na kilala ko? Nawala na. Ngumiti ako tapos lumapit sa kanya.

"Ganun ba? Sorry na, babe." Hindi sya nagsasalita. "Uy nagtatampo ka talaga? Sorry na nga eh." Naupo sya sa couch malapit sa bed ko.

"Hindi ako nagtatampo." Seryosong sabi nya tapos nakatingin sa labas at nakapatong yung isang kamay nya sa sandalan ng couch.

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon