15

16.8K 138 5
                                    

"Babe, aalis ba tayo?" Tanong ko sa kanya pagkadating na pagkadating namin sa unit nya. Naupo ako sa mini round lounge sofa nya tapos binuksan ko yung tv.

"I should be the one asking you that. Gusto mo bang umalis tayo? Kasi kung ako lang ang tatanungin, ayokong umalis. Kung ako lang naman, dito na lang tayo kasi ayokong masira ang moment natin." Tapos nagpunta sya sa kitchen nya at kumuha ng tubig.

"Then, dito na lang tayo." Tumango sya tapos umupo sa tabi ko. "Babe, may spare clothes ka ba dyan? Hindi kasi talaga ako comfortable dito eh." Sabi ko sa kanya tapos tinanggal ko yung sapatos ko at naglakad papunta sa shoe rack nya tapos nilagay ko dun yung gold stilettos ko.

"You can use my shirt if you want to. May jersey shorts and boxers din ako sa closet ko. Ikaw na lang pumili." Nakaupo pa din sya sa sofa at nanunuod ng tv kaya ako na lang yung pumunta sa room nya at binuksan ko yung closet nya at naghanap ng damit na pwedeng isuot. (A/n: Si Donna yung nasa gilid. She's wearing the dress. :D)

Nakakita ako ng medyo maliit na white shirt, parang luma na kaya yun na lang kinuha ko tsaka yung isang jersey shorts nya. Pabalik na sana ako sa sala nang may nakita akong nalaglag pagkakuha ko ng white shirt. Picture ni Eli tapos may kasama syang babae. Hindi ko makita yung muka nung babae kasi nakatalikod tapos nakayakap sa kanya si Eli at nakatingin sa camera. Mukang luma na yung picture. Titignan ko sana yung likod pero biglang dumating na si Eli sa kwarto.

"Ano? Nakahanap ka ba ng damit, babe?" Tumango ako. Tapos tinago ko sa likod ko yung picture. "Do you want anything? Oorder ako ng food natin."

"Tayo na lang bumili para naman makalabas tayo kahit papano. Is that okay?" Tumingin sya sa akin tapos nagsmile ako. Tumango sya at lumapit sa akin. He kissed my forehead and smiled.

"I'll wait for you sa sala. Magbihis ka na muna." Tumango ako tapos lumabas na sya. I immediately put the picture back to where I found it. Siguro lumang picture lang yun na nakalimutan nyang itabi. Nagbihis na ako. Sinuot ko yung white shirt at jersey shorts. Buti na lang at sakto yung sukat ng white shirt sa akin. Lumabas na kagad ako ng kwarto nya.

"Wow! Ang cute mo talaga, babe." Nakatingin lang sya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung kamay nya.

"Tara na?" Lumabas kami ni Eli na suot ko yung damit nya at yung tsinelas nya. Medyo malaki yung tsinelas pero okay lang, hindi naman yata masyadong halata eh.

Nagpunta kami sa mall at bumili ng cake, ice cream at lasagna. Pinagtitinginan nga kami sa mall eh. Siguro dahil si Eli yung kasama ko. Ewan. Dapat talaga masanay na ako.

"Babe, may sasabihin ako sayo." Sabi ni Eli tapos lumapit sya sa akin.

"Ano yun?" Hinawakan nya yung kamay ko tapos tumingin sa baba.

"Kasi, babe, ano eh....."

"Ano? Tell me." Atat na tanong ko.

"C-can I..... can I get naked." Nakayuko nyang sabi.

"ANONG SINABI MO?!" Napasigaw ako sa sinabi nya kaya mas lalong nagtinginan yung mga tao dito sa grocery.

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon