Final Chapter

38.9K 818 148
                                    

Shit! Kinakabahan ako. Pakiramdam ko pa nga pinagpapawisan ako ng malamig at malapot. Sa wakas, dumating narin ang tamang panahon namin. Damn! Akala ko hindi na talaga kami magkikita, hindi na talaga kamI magkakasama. Pakiramdam ko nabuhayan ako ng katawang lupa ng makita ko siya that time matapos kong malaman na patay na siya.

Kiniskis ko ang palad at talagang pakiramdam ko maiihi ako na masusuka ako na hihimatayin ako. Fvck! Ngayon lang ako ninerbyos ng ganito! Napabuga ako ng hangin at hindi mapigilang mabalisa. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Hans na siyang best man ko at sinuntok ako ng mahina sa likod.

"Montecarlo, baka maihi ka dyan?"

"Shut up Velmonte! Wala kang idea! Palibhasa hindi ikaw ang ninenerbyos."Lalo akong pinanlamigan ng katawan ng magsimulang tumugtog ang piano, papasok na siya. Shit! Pakiramdam ko masusuka ako na matutumba.

Fvck she's fvcking gorgeous wearing her wedding gown. Nasa magkabilang gilid niya si Tito Alejo at Tito Miguel. Nauna ng maglakad ang anak kong si Tyler kasama si Aerith. Todo ngisi naman si Van at si Kath.

Damn. Hindi ko mapigilang mapayuko at kagatin ang labi. We've waited for this. Napakatagal naming hinintay ito. Kapag may humadlang pa ngayon dito mismo. Makakapatay na ako.

Here we stand today
Like we always dream,
Starting out our life together
Light is in your eyes
Love is in our hearts,
I can't believe you're really mine forever...

"Umiiyak ka?" Nakangiting tanong niya sa akin ng makalapit siya.

"Hindi tumatawa." Obvious na nga tinatanong pa talaga. Pasimple ko na ngang pinahid ang luha ko eh. Kainis! Bakit ba kasi pagdating sa kanya, ang iyakin ko. Ang bakla lang!

"Take care of my Princess, Montecarlo. Tandaan mo hindi ako magdadalawang isip na ipatapon ka sa ilog pasig sa oras na masaktan na naman ang anak ko." Tito Miguel said at iniabot ang kaliwang kamay niya.

"I will Pa..."

"Make her happy, you know how much deserves to be happy." Tinapik ako sa balikat ni Tito Alejo matapos ibigay ang kanang kamay niya.

"Umiiyak ka eh." Tudyo niya na naman. Tinitigan ko siya ng masama ngunit siya, tumawa lang talaga.

Been rehearsing for this moment
all my life, so don't act surprise
If the feeling starts to carry me away...

Nagsimulang magsalita ang pari habang nasa harap nya kami. I can't believe we're really going to get married now. That in just a couple of minutes .Asawa ko na siya. Hindi na ako umasa na magiging kami pa. Ngunit ng tumawag si Kuya ng araw na iyon, pakiramdam ko nabuhay akong muli. Naalala ko ang sinabi niya noon.

"Three months Threin. Can you wait? And can you fix everything sa loob ng tatlong buwan. Dahil kung hindi. Itutuloy ko ang laban ko at hahayaan kong tuluyang magkahiwalay kayo. Ayusin mo ang lahat sa loob ng tatlong buwan na iyan. And I can assure you... I can give both of you a better happy ending love story..."

Hindi ko siya naitindihan noong una, pero ng malaman ko kay Mommy na nasa Russia si Kuya at nasa Pilipinas si Althea. Nagka idea na ako...Na baka hindi niya na ituloy pa ang pagpapagaling niya. I confronted Valeria...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wicked Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now