Thirty One

25.6K 594 42
                                    


Hindi umuwi si Threin ng gabing iyon. Baka nagpapakasarap sa piling ni Valeria. Siya pa ba may ganang magalit sa akin. I told him the truth, siya nga nagsinungaling sa akin. At bumili pa talaga sila ng couple shirt ha? Inayos ko ang buhok bago lumabas ng kwarto. I'm meeting Therese Montecarlo kahit hindi maganda ang mood ko. Dumiretso ako sa kwarto ni Papa at kumatok.

"Yes Hija?"

"Kayo muna bahala kay Tyler Pa ha? Uuwi agad ako,  I just need to talk to Therese Montecarlo."

"Want me to accompany you?" Umiling ako at bumuntong hininga.

"Where's Threin anyway?"

"Ewan ko sa kanya." Ingos ko at humalukipkip. My father laugh at me at umiling,

"Nag-away na naman kayo?" Hmp lang ang sinagot ko saka humalik sa pisngi at nagpaalam na. "Lambing lang katapat niyan hija."

"No way Pa!"

Tahimik akong nagmaneho palabas ng subdivision. Bumalik sa akin yung narinig ko sa Doktor ni Drake. Posible kayang may malalang sakit ang lalaking iyon? Hindi ko na natanong pa dahil dumating ang sekretarya niya. Mukhang tinawagan niya, kaya umuwi nadin ako. Paano kung may sakit nga ito? Nag-aalala ako na baka mamatay ito ng maaga di pa ako nakakaganti. Tsss...

Sabagay masamang damo matagal mamatay, at nahihirapan pa daw muna ng husto bago malagutan ng hininga. Napangisi ako, saktong-sakto sa kanya yon ah. Kaso mas gusto ko kung ako magpapahirap sa kanya bago siya mamatay. Makalipas ang halos isang oras na byahe ay pumarada ako sa tapat ng Resto ni Amira. Anong meron bakit parang kakaiba ang Ambience? Inayos ko ang sarili bago pumasok, at agad akong sinalubong ng isang batang babae.

"Welcome po sa El Cuisinera!" sabay bow sa harap ko. "Pwede niyo pong hawakan ang kamay ko kung gusto niyo para maihatid ko kayo sa mesa niyo, o kaya naman po kung hindi maari sumunod nlang po kayo." mahabang paliwanag niya.

Iginala ko ang tingin halos lahat ng costumer na pumapasok ay sinasalubong ng mga bata. At nakangiti nilang inaabot ang kamay nito.

Napangiti nalamang ako at hinawakan ang kamay ng batang nakatayo sa harap ko, akala niya yata nandidiri ako.

"I've received an invitation from Mrs. Therese Montecarlo, may reserved table ba siya dito?" tanong ko sa guard.

"Table four Ma'am."

"Hatid ko po kayo sa table niyo. Miss Maganda." natawa ako sa sinabi niya, tinanaw ko ang mesa at nasiguro kong kabisado ng bata ang dinaraanan niya, pati ang mesang pagdadalhan niya.

"Table four po." Sabay muestra sa table na nasa harap ko Therese smiled at me at ganun din sa bata. Yumuko ulit ito bago kami iniwan.

"Have a seat Ms. Lancaster."

Tipid akong ngumiti at naupo sa harap niya. Lumingon siya sa akin at para bang may hinahanap.

Well I think she's looking for a certain someone.

"If you're looking for Threin, he's not with me."

"Oh I see..." She smiled at kinuha ang menu. "It seems you two are in good hands."

Tipid na ngiti lang ang sinagot ko. Tinaas niya ang kamay at tinawag ang waiter.

"I'll go straight to the point." seryosong sabi niya pagkatapos naming umorder. "I heard your boy called my son, "Daddy". So tell me anak niyo ba ni Threin ang bata?"

Sabi ko na. It's about Tyler. Sinalubong ko ang tingin niya bago bahagyang tinaas ang noo. "No Madam, anak ko sa pagkadalaga ang bata. He's calling Threin, Daddy dahil lumaki ito kasama siya."

Wicked Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now