Fifteen

31.2K 741 23
                                    

Nasisilaw na nagmulat ako ng mga mata. Sinalubong ako ng maingay na mga boses at busina ng sasakyan. Inabutan na pala ako ng dilim sa bangketa. Nanghihinang bumangon ako at biglang kumalam ang sikmura ko.

Wala pa nga pala akong hapunan.

Kinapa ko ang bulsa, wala din akong pera. Anong oras na ba? Sinipat ko ang relo ng may sumagi sa isip ko ng makita pati ang singsing sa daliri ko.

Tama...

Kung kailangan kong ibenta ito gagawin ko, hindi ako pwedeng magutom. Dahil makakasama sa anak ko. Kinapa ko ang dibdib. Mabuti at hindi ko suot ang kwintas ni Threin. Nanlalatang bumangon ako at iika-ikang lumabas ng bangketa. Alam ko sa hitsura ko ngayon, konting konti nalang at mukha na akong taong grasa.

Pero di ako pwedeng sumuko...

Gaganti pa ako! Papaiyakin ko pa sila ng dugo! Napatakbo ako ng makita ang isang karatula ng sanglaan. Nagmamadali akong tumakbo papasok roon at dumukwang sa salamin. Ramdam ko ang tingin ng mga taong naroon sa akin.

May mga nagbubulungan. Iniisip kaya nila na masamang babae ako?

Hindi! Kailangan kong makakuha ng pera!Kailangan ko yun para sa anak ko.

"Please kailangan ko pong magmadali, ooperahan na po ang nanay ko. Please!"

-------------------------------

"Miss Avery, Miss Avery?"

Natigil ako sa pagbabalik tanaw ng marinig ang boses ng secretary ko.

Wicked Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now