Forty One

22.4K 545 47
                                    



"Mall with Papa. Mall with Papa. Mall with Pa---pa!"

Natawa kami kay Tyler habang kumakanta-kanta ito at kumakandirit sa loob ng Giant Mall.

"Is it your first time anak?" tanong ni Drake dito. Huminto ito sa paglalakad at nilingon kami.

"Hindi po. I'm just happy I'm strolling here in mall with you." He grinned at patakbong yumakap sa binti ng ama. "I want a toy robot Papa! Saka basket ball set, saka Lego! Saka cars po ah?"

"Ang dami naman anak!" natatawang pinanlakihan ko ito ng mata. The little boy look at me then binalik ang tingin sa ama, parang nagpapatulong.

"We'll buy it okay? Anything you want." Kinarga ito ni Drake at para naman itong tumama sa lotto na sumuntok 'pa sa hangin.

"Don't spoiled your son too much Drake."

"But I insist, this is the least that I can do for him. Susulitin ko na, habang magkasama pa kami."

"Aalis ka din po kagaya ni Daddy Threin?" Hinuli ng maliliit na kamay ni Tyler ang mukha ng Ama at lumabi.

"Nope. Ikaw pa ba iiwan ko? I'm always be here."

Hindi ko mapigilang mag-iwas ng tingin sa sinabi niya sa anak namin. Dinala namin sa World of Fun si Tyler, lahat ng laro sinubukan niya. Nakailang token yata si Drake, after non dinala namin ang anak sa Toy kingdom, lahat ng magustuhan niya kinukuha ni Drake. I didn't know na ganito pala maging Ama ang isang Thyrimm Drake.

"Papa you okay?"

Napasulyap ako sa kanila since bahagya akong lumayo para tingnan ang mga Haloween designs na nakaagaw sa atensiyon ko.

"I'm fine big boy." Nakangiwing sabi niya sa anak. Mabilis akong lumapit sa kanya ng mapansing hinihilot niya ang sintido.

"Did you take your meds, Drake?"

"Viel I'm fine. No need to worry." he said in between massaging his head. Bakas na bakas sa mukha niya ang pinipigilang sakit at kirot.

"Anong pangalan nong gamot mo?" he's fine pero halos maupo na siya sa sakit.

"Viel, I'm oka--"

"No you're not! Quit being stubborn Drake. Tyler doesn't know your condition. Gusto mong mag-alala ang anak mo?" I hissed him.

"Ma'am okay lang po kayo ni Sir?" nag-aalalang tanong narin sa amin ng sales man.

"Pwede mo ba siyang paupuin saglit at pakitingnan ang anak ko?" Alam ko kakapalan na ng mukha yon, pero hindi ko naman maatim na mabaliw sa sakit si Drake. Agad na tinawag nong isang sales man ang kasama niya, nagpaalam ako na bibilhin ko lang ang gamot ni Drake.

Siguro naman may stock si Dr. Smiltten dito sa branch nya.

Halos takbuhin ko ang escalator na paakyat sa taas. Walang nabanggit sa akin si Drake tungkol sa pag-papaopera niya. Kahit papaano sa sarili ko gusto 'ko pading mabago ang isip niya. Bata pa si Tyler, at ngayon palang sila bumubuo ng mga alaala nilang mag-ama.

Nagmamadali akong pumasok sa clinic ng doctor at hinanap ito. But shit! Nasaan siya?

"Yes good morning Ma'am. If you're looking for Dra. Smiltten wala po siya dito. Mamaya pa po."

Nilingon ko ang babaeng nagsalita at agad sinabi ang gamot na kailangan ko.

"Ma'am wala po kayong reseta, hindi po ako pwedeng magbigay ng gamot sa inyo. Lalo na po at hindi basta-bastang gamot ang gusto niyo."

Wicked Cinderella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon