Three

31.3K 777 44
                                    


"My dear Bitch wife...."

Para akong sinasaksak sa narinig ko sa kanya. Pasuray-suray siyang naglakad papasok sa loob ng bahay matapos akong hawiin sa daan niya, dumiretso siya sa upuan at pabagsak na naupo doon while he's laughing. No he's laughing sarcastically. Gusto ko man siyang awayin at sumabatan. Ano namang karapatan ng isang tulad ko para gawin yon sa kanya?

Tahimik na lamang akong naglakad patungo dito.

"Drake we need to change you cloth-"

"Don't touch me!" He growled at me at malakas akong tinabig, dahilan para mawalan ako ng balanse sa biglaang pag hawi niya sa kamay ko, bumagsak ako sa carpeted floor at tumama ang tagiliran ko sa kanto ng mesang salamin. Namilipit ako sa sakit, ngunit di pa siya nakuntento ay may kalakasan niya pa akong sinipa sa isang tuhod ko kaya't patihaya akong bumagsak ng tuluyan.

Malakas siyang nagtatawa sa akin at siya na mismo ang nagluwang ng kurbata niya ngunit di hinubad iyon ng tuluyan.

"You're really a stupid and disgusting bitch Althea. Tinitingnan palang kita. Na..nandidiri na ako..." Pabagsak siyang umupo sa sofa at pinikit na nito ang mga mata. Saka ko pa hinayaang kumawala ang luhang kanina pa gusto tumulo sa mga mata ko. Napakarumi talaga ng tingin niya sa akin, lalo na kapag nakikita niyang kausap ko ang kapatid niya.

"Aleya..."

Nakagat ko ang ibabang labi at pinahid ang luha. Ako na mismo ang nag-alis ng kurbata at naghubad ng damit nito. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina at kumuha ng plangganita saka nilagyan ng maligamgam na tubig at ng bimpo. Talagang nakatulog na ito pagbalik ko.

Kahit sana tratuhin mo man lang ako bilang isang babae at isang tao. Masaya na ako.

"You can call me anything you want Drake. Ok lang sakin,sapat na iyon sa akin. Wag mo lang akong iwan." Ayan na naman yung luha ko, nagbabadya na namang tumulo habang pinupunasan ko ang katawan niya. Why did we end up like this Drake? Hinaplos ko ang makinis niyang mukha. Hindi ka naman ganito noon diba? 

You used to be my hero. You used to be my savior too.

Pero dahil lang sa kasal na ito nagbago na ang lahat.

Sana pala tumutol ako no? Baka sakaling hindi ka nagbago sa akin. Baka sakaling ngumingiti kapadin sa akin. Sana hinayaan ko nalang pala na manatiling engaged ka kay Ate. Sorry Drake. Pero kasi mahal kita eh.

Sorry dahil inagaw ko ang kalayaan at pagkakataon mong maikasal sa taong mahal na mahal mo. I gave him a light kiss on his forehead at umakyat na sa itaas para kuhanan ito ng kumot.



----------------------------
Tanghali na ng magising ako kinabukasan, wala ng Drake sa upuan wala narin ang sasakyan niya sa labas. Nakapagtatakang naidrive niya pa iyon kahit pa sobra na ang kalasingan niya. Nanlalatang pumasok nalang ako sa banyo at maliligo. Sa labas na lang ako manananghalian. Saglit lang akong naligo at agad na nagbihis. Tinuyo ko nalang buhok ko at hindi na nga ako nag make-up pa.

Dahil ayaw naman ng asawa ko na gingawa ko yon. Nagpapaganda pa daw ako para makalandi, hay jusko. Tinawagan ko si Verlyn, at pumayag naman siyang samahan akong kumain sa labas sinama pa nga niya si Vienna.

Napasungaw ako sa bintana ng marinig ko ang busina ng kotse sa ibaba. Napakabilis naman ng dalawang iyon. Agad kong tinali ang buhok at hinablot ang shoulder bag na nakasabit, saka bi-

Wicked Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now