Fifty

24K 580 50
                                    



Sumasakit ang ulo na kinapa ko ang alarm clock na nag-iingay sa kung saan. God! Bakit ba naisipan ni Tyler na i-alarm ng alas kwatro y medya ang orasan niya? Wala naman siyang pasok. Tuluyan na akong bumangon at binalot ng Roba ang katawan. Lumabas ako ng silid at sinalubong ako ng bahagyang dilim. Sigurado ako pa lang ang mag-isang gising. Dumiretso na ako sa baba at nagtuloy sa kusina, nagtimpla ako ng kape bago lumabas sa bakuran ang pinagmasdan ang bahagyang pag-iiba ng kulay ng langit.

Umihip ang malamig na hangin at di ko mapigilang samyuin iyon.

Amoy pasko na, palibhasa nobyembre na. Kahapon pagkagaling namin sa puntod ni Drake, nagtuloy kami sa Mall na mag-iina at di talaga ako tinigilan ni Kath na hindI bilhin iyon life size ceramics Santa Claus. Kaya ayun nakatayo na sa gilid ng main door namin, muli akong humigop ng kape at sinamyo ang hangin. Lumabas ako ng bahay at nagtuloy sa Garden ng agad kong mapansin ang isang piraso ng papel na nakapatong sa mesang naroon. 

Kunot noong kinuha ko iyon at binuklat. May address doong nakalagay, habang may nakasulat pang "wear something white." Kung si Tyler ba ang may pakana nito ewan ko. Since, malapit na nga rin pala ang Birthday ko.

Nangigiting bumalik ako sa loob ng bahay habang hawak-hawak ang papel at umakyat patungo sa aking silid. 


-----------------------------

Sa pang-apat na pagkakataon ay muli akong nakakita ng piraso ng papel, kanina ay iyong sa garden. Pagkatapos naman ay iyong nasa loob ng kabinet noong ako'y magpapalit na ng damit. Ang sumunod ay sa lalagyan naman ng aking mga sapatos, at eto naman ngayon Bakery na malapit sa aming bahay. Sa Bakery talaga. Hindi ko mapigilang mapangiti ng husto sa pinaggagawa ng aking Anak. 

Napatingala ako sa mataas na gusali at huminto sa paglalakad. Sabi sa papel dito daw yung Address. Goodness, Tyler what are you planning to do? What is this all about? Muntik pa akong mapatalon sa gulat ng  bigla na lamang sumilip ang isang Gwardya mula sa guard house at nginitian ako.

"Ms. Althea Lancaster?"

Marahan akong tumango. 

"Tuloy po kayo Ma'am. Sa rooftop po." aniya saka inabot sa akin ang isang pink na papel kasama ng isang keycard. 

Nagtataka man ay nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko mapigilang pagmasdan ang paligid. Mag-isa akong sumakay ng elevator at pinindot ang pinaka huling floor button. Bumaling ang tingin ko sa key card at sa papel na hawak. Paano kayo naayos ni Ty ang ganitong set-up? I mean, saan naman kaya niya nakuha ang ganitong ideya. At talagang maaga pa siya gumising para lamang dito, knowing him?

Maaga na ang alas-onse y medya kapag gumigising siya sa umaga.

Makalipas ang ilang minuto ay tumunog narin ang Elevator at bumukas na nga iyon. Tahimik akong naglakad at hinanap ang pinto kung saan ko maaaring gamitin ang keycard na binigay sa akin. Palinga-linga ako hanggang sa makita ko ang isang puting pinto eksaktong pagliko ko sa bandang kaliwa. Wala naman ibang pintuan dito, baka dito na nga. Binulsa ko na muna ang papel sa aking puting pantalon. 

At salamat naman sa Diyos ay bumukas agad iyon. 

Agad akong binulaga ng malakas na hangin, mabuti na lamang at hindi talaga ako nagbestida. Dahil siguradong mahihirapan ako. Iginala ko ang aking paningin sa paligid habang hawak hawak ng isa kong kamay ang aking buhok. Mayroong make shift stage na sinadya atang itinutok sa gawing Silangan. Naaakit na naglakad ako patungo roon at umakyat na doon mismo.

Damn! Ang ganda! Kumakalat na ang gintong silahis ng araw sa kalangitan. Napakaganda talaga.Alam ko fan ako ng mga romantic Wedding. Yun bang mga beach wedding, sun set wedding, garden wedding. Lahat ng klase ng romantic wedding. Pero gusto kong maiba naman. Lalo na ngayon na nasilayan ko ng ganito kaganda ang pagsikat ng araw.

Wicked Cinderella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon