Forty Seven

22.3K 527 47
                                    

Mausok

Maingay

At masakit sa mata ang mga malilikot na spotlight sa buong paligid. Tinakpan ko ang ilong ng panyong dala, saka nakipagsiksikan sa dagat ng mga tao habang maingay na nakaharang ang isang kamay sa bandang tiyan ko.

Mahirap na at baka may biglang makasiko sa akin o maka bangga sa bandang tiyan ko. Sa harot at gaslaw ba naman nila.

Iginala ko ang tingin sa buong paligid. Damn! Threin Denver nasaan kanaba? Hindi ko maaninag ang mga mukha ng naroon dahil malamlam ang liwanag ng malikot na bumbilya.

Asan kanaba Threin?

Shit...Wala akong balak na magpahatinggabi dito kakahanap sa kany-- Found him! Nagmamadali akong naglakad patungo sa kanya na napapagitnaan ng dalawang higad. Ngunit mukhang wala naman siyang pakialam sa dalawa.

"C'mon lover boy...We promised you, mag eenjoy ka." sabi nung isang harot at humagikgik. Inilapit niya pa ang bibig sa tenga ni Threin. Hatakin ko kaya siyang malandi siya?

"We'll bring you to heaven..." segunda ng isa ikinalawit ang braso sa batok nito.

"Leave me alone, bitches! I don't do fish and a shrimp."
bruskong sabi niya na ikinangisi ko. Marahas niyang binaklas ang kamay ng dalawa at muling tumungga sa baso niya.

"Pakipot ka naman masydo, c'mon babe..." pangungulit padin ng isda.

"He said leave him alone. O gusto niyong ingudngod ko kayo palayo sa kanya?" mataray na wika ko habang papalapit sa kanila.

"Who are you ba?!" maarteng sabi nung hipon.

"Wag mo na alamin at baka himatayin ka. Hala layas!" Pinandilatan ko sila ng mata habang nagmamartsa silang umalis. I look at Threin na nakatitig padin sa baso niya. "Threin Denver."

Tinapunan niya ako ng tingin bago mapaklang ngumisi. "What are you doing here Prinsesa?"

"Iuuwi kana. Goodness Threin! Buntis ang fiancee mo at pinag-aalala mo?"

Mapanuya siyang humalakhak at pinaikot ang stool paharap sa akin. "Fiancee my ass! Sabagay, fiancee nga. Kaya mo nga ako iniwan diba?" Binitawan niya ang baso at yung bote na mismo ang tinungga. Oh God... He looks so wasted. "So magkasundo na kayo ngayon? At pinadala ka niya dito? Tsss. Go home Althea."

Kumirot ang dibdib ko ng tawagin niya akong Althea. Pinatatag ko ang sarili at determinadong inagaw ang bote sa kanya.

"I'm going to take you home Montecarlo, sa ayaw o sa gusto mo!" hinawakan ko siya sa isang kamay niya at pwersahang hinila.

"Leave me alone Althea! Umuwi kana! At wala kang pakialam kung magpakalango ako!" Sa sobrang gulat ko sa pagsigaw at marahas niyang pagpiksi sa hawak ko, ay napaatras ako at sumalabid ang isa kong paa sa paa ng high stool. Mariin akong napapikit ng maramdaman ang pagkawala ko ng balanse at marinig ang ilang sigawan ng mga nass malapit sa amin.

Ngunit di ko naramdaman ang pagbagsak sa sahig.

"Umuwi kana Althea." malamig niyang wika, na mukhang hindi man lang nagsisi sa ginawa niya.

"Threin..." Hindi parin ako makapaniwala na para bang wala lang sa kanya kung bumagsak ako. Pumiksi ako sa umaalalay sa akin at pilit itong kinumbinsi.

Wicked Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now