Eight

28K 661 9
                                    

Mag-isa akong naglakad palabas ng kompanya. Ramdam ko ang mga mapang-insulto nilang titig at bulungan. 

Until the end hindi man lang niya ako nagawang panigan. Itinakwil niya pa ako. Nanlabo ang paningin ko sa luha. Nakayapak akong lumabas ng gate at naglakad ng naglakad. Alam ko para akong tanga dahil naka bestida ako, nakapaa, nagkalat ang mascara sa mata ko. Bakit ba hindi ako matanggap ni Daddy bilang anak niya.

Ampon lang ba ako?

Bulag na siya sa lahat ng kamalian ni Aleya. Hindi niya na makikita na mula pa noon, ginagawa ko ang lahat para maipagmalaki din niya ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad, ayokong umuwi. Gusto kong makalayo.

Pagod na akong isiksik ang sarili ko sa kanila. Sa sobrang pagnanais ko na mapansin din ni Daddy ang mga magagandang ginagawa ko. Nakalimutan ko na ang pangarap ko. Nakalimutan ko na ang sarili ko. Ang sakit sakit. Binigay ko lahat sa kanila, ultimo pangarap ko, ultimo ambisyon ko tinalikuran ko. Masunod ko lang lahat ng gusto nila. Dahil akala ko kapag sinunod ko sila baka sakali maiba ang trato nila sa akin.

Pero hindi padin pala.

Tumingala ako sa langit ng maramdaman ko ang malalaking patak ng ulan. Saan ba ako nagkulang? Kulang pa ba lahat ng binigay ko? Dapat ba pati kaluluwa ko?  Tuluyan ng bumuhos ang ulan ngunit nanatili akong nakatingala sa langit. Sa ganong paraan kasi kahit papaano hindi ko nararamdaman na tumutulo ang luha ko para sa mga taong hindi naman dapat pinag aaksayahan nito.

Ayoko na suko na ako...


--------------------------

Halos tila na ang ulan ng makarating ako sa isang animo squatter na lugar. Nasaan ako napadpad? Madilim na pa naman. Lumingon lingon ako sa paligid, may iilang tao ngunit mga nag-iinuman naman. Tumapat ako sa isang poste ng ilaw at tiningnan ang relo ko.

God alas nuebe na ng gabi?

Kaya pala kumakalam na ng sobra ang sikmura ko. Nasaan na ba ako? Gusto ko ng makauwi.O kaya makapagpalit ng damit.Nilalamig na ako, kahit ramdam ko ang napaka init na singaw ng katawan ko.

Ginapangan ako ng takot ng makarinig ng sipol sa likod. Ng lumingon ako ay nakatayo doon ang dalawang parang lasing na lalaki. Nakahubad yung isa ng damit at nakasuot ng maruming maong shorts at nakayapak. Parang taong grasa. Yung isa naman naka sando na akala mo hindi na kilala ang sabong panlaba. Tumakbo agad ako papasok sa eskenitang malapit. Takbo lang ako ng takbo, lahat ng likuang pwedeng likuan ay nililikuan ko.

Muli akong tumakbo, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ako nakapagpatuloy.

Diyos ko.

"Miss? ang ganda mo naman. Naliligaw ka ba?"

Agad akong napaatras, pumihit ako pabalik sa tinakbuhan ko pero napahinto din ako. Meron ding nakatayo doon at napapagitnaan nila ako. God! Panay lagabog ang dibdib ko sa sobrang takot ko. Wag niyo po akong pabayaan.

"Maawa po kayo...Uuwi na po ako..." Pilit kong kinalma ang sarili ngunit napaiyak na ako ng mapansin ang hawak nilang bote ng ruby at tinapon nila iyon. Damang dama ko ang labis na takot. Ngumisi sa akin yung isa at bigla akong dinamba.'Umiwas agad ako at sinamantala ang pagkakataong makatakbo dahil nawalan ito ng balanse. Ngunit nakakailang hakbang palang ako ay humawak sa paa ko at hinitak ako ng malakas.

"Waggg!" Diyos wag! Agad akong inibabawan ng adik at yung isa naman ay hinawakan ang dalawang paa ko. Diyos ko wag!

"Pare ambango! Amoy imported!"

Wicked Cinderella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon