Ten

32.5K 879 207
                                    

Thyrimm Drake

Ibinaba ko ang hawak na frame sa mesa ko.

It was Althea, me, Threin and Aleya. Kahawig talaga niya si Althea. Noong nakita ko si Avery Lancaster sa airport, akala muling nabuhay si Thea at siya na ang nasa harapan ko. Magkamukhang magkamukha sila. But the only difference is, Althea's eyes are full on innocent, dreams, and sadness. Unlike her na para bang punong puno ng galit at tinatagong misteryo ang bawat talim at kislap ng mata niya. Tho I am really curious, bakit kilala siya ng Driver ni Threin.

I know I've been inform na engaged na ang kapatid ko. Pero ni isa sa amin walang nakakaalam kung sino ito at ang pangalan nito. Seriously we're quite alarmed ng marinig iyon. Dahil paano kung iniisip niya lang na buhay pa si Althea at ito ang babaeng papakasalan niya. Hindi pa naman din siya umuuwi mula ng mamatay ang asawa ko.  Noong malaman namin na patay na ito, iyon ang una at huling beses na umuwi siya galing England.

I let out a weary sigh.

Kung may isang bagay man akong pinagsisisihan at hanggang kamatayan kong pagsisisihan. Iyon ay ang bagay na namatay siyang hindi man lang nararanasang tratuhin ng pantay at maayos. Namatay siya kasama ang tatlong buwang gulang na anak namin na pinagbubuntis niya.

Tumingala ako upang pigilan ang luha. Ngunit nagpatuloy parin iyong pumatak.

Namatay siyang hindi man lang nararansang sumaya kasama ako at maramdaman ang tunay na kaligayahan. And I hate myself for hating her dahil lang sa pumayag siyang maikasal sa akin. Aleya is my everything at that time. Pero sa tuwing makikita ko na malungkot lagi ang mga mata niya kapag kasama ako at kumukislap iyon sa kasiyahan kapag kasama ang kapatid ko. Nilulukuban ako ng dagsa-dagsang selos at galit.

Dahil kahit asawa ko na siya iba parin ang nagpapaningning sa mga mata niya. I'm really selfish at those times. Ayokong nakikitang masaya siya kay Threin at the same time nagagalit ako sa kanya dahil pinapaalala niya na sa kanya ako kinasal at hindi kay Aleya. I'm so stupid to realized na kaya pala nagagalit ako kapag masaya siya sa iba, dahil sa nararamdaman ko para sa kanya. I was blinded by the fact na sapilitan akong pinakasal.

Muling tumulo ang luha sa mga mata ko. Mariin akong napapikit at sumubsob sa palad ko.

She died twenty days, before the Christmas. At ayoko na ulit isiping namatay siyang nag-iisa sa restaurant na iyon. Na baka umiiyak siya habang paulit-ulit na tinatawag niya ako o si Threin o ang Daddy niya.

Nadudurog ang puso ko sa katotohanang hanggang sa huling hininga niya ay wala silang kasama ng anak ko at takot na takot. Sinisi ko ang sarili ko dahil kung sinabi ko sana sa pamilya namin na ako nga ang ama ng anak niya. Baka hindi siya nawala sa mundong ito. I know it's my child dahil ako ang nakauna sa kanya, and i'm so happy about that. Pero hindi ko maamin sa sarili ko na si Threin pa din ang nakakapagpasaya sa kanya. They are a picture of a happy family sa tuwing magkasama sila.

Hinayaan kong kamuhian siya ng parents ko at ng pamilya niya. Dahil hindi ko maamin sa sarili ko na kahit ako ang ama ng anak niya. Si Threin pa din ang nakakapagpasaya sa kanya. And I can still remember how Threin cried infront of us ng malaman niyang namatay si Althea. He was so devastated. Habang naglalakad siya noon palapit sa labi ng babaeng pinakamamahal niya. At noon lang din ako natauhan sa sarili ko.

Na inagaw ko nga talaga ang kaligayahan nilang dalawa. Inagaw namin yung masayang buhay na dapat ay para sa kanilang dalawa.

-------------------------

"Viel..." Gumaralgal ang boses niya habang naglalakad palapit sa labi ng babae, hindi ko magawang tingnan ang sariling kapatid. Dahil higit sa lahat ng taong narito, siya ang tunay na nagmahal sa babae. At alam kong triple ang nararamdaman niyang sakit kumpara sa amin. Napakasakit  sampung beses para sa kanya o baka nga libo-libo pa na makita niyang hindi na katawan ng babaeng pinakamamahal niya ang makikita niya. Kundi abo nalang.

Wicked Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now