Fourteen

28.4K 659 23
                                    


Dalawang buwan ang matuling lumipas. Wala na akong nabalitaan sa pamilya ko o kay Drake, ngunit hindi ko nalilimutan na mag e-mail kay Threin at tawagan siya. Hindi ko sinabi sa kanya ang ginawa ng kuya niya, knowing Threin. Uuwi talaga yon. Kahit sila Verlyn hindi ko tinawagan, sigurado kasing gigipitin sila ng pamilya ko. Alam ko namang hindi nila ako hahayaan na makalayo lang ganito kadali.

Mabuti na nga lang at malayo at liblib ang probinsiyang ito ng Lola ni Ate Sena. Siya kasi ang tumulong sa akin, nung sabihin ko na gusto kong lumayo. Kaya dito niya ako pinatuloy. Mabait naman sina Lola Celia at ang apo niyang si Kimberly at Kyle.

Nakangiting pinagmasdan ko Ang tumatakbong si Kyle na galing sa eskwelahan. Grade four na siya. Si Kim naman ay First year High School.

"Hi Ate Thea!" bati agad sa akin ni Kyle ng makalapit.

"Ang aga mo ah?"

"Wala po si Ma'am eh." Kumamot siya ng ulo at sinabayan ko siyang pumasok sa loob ng bahay. Nagmano siya kay Lola at ibinaba ang bag sa mesa.

"Lola may assignment ako." nakangusong sabi ng bata habang kinukuha ang aklat sa bag at ang notebook niya. Naupo ako sa tabi ni Kyle at pinagmasdan siya. Napaka gwapong bata.

"Wari ba? Ano ba iyang takdang aralin mo?" Inayos naman ni Lola ang salamin niya sa mata at tinawag ang isa pang apo. Maya maya lang ay lumabas si Kim sa kusina at nakasimangot na naupo sa upuan. Naghuhugas siguro ng pinggan ang dalagita.

"Bakit ano ba'yang assignment mo?" nakangusong tanong ni Kim sa kapatid at kinuha ang note book niya saka binasa ang nakasulat doon. "Gumuhit ng isang larawang nagpapakita ng masayang pamilya."

"Hindi ako marunong mag drawing lola." parang maiiyak na sabi ng bata.

"Lalo naman ako." segunda ni Kim. Nilingon niya ako at ngumiti. "Ikaw Ate marunong ka ba mag drawing?"

Bigla akong nakaramdam ng panlalamig, nawala sa isip ko ang lagay ng aking kamay. Kahit magaling na iyon. Mababakas mo padin ang malaking pilat at ukang likha ng aksidenteng iyon sa kamay ko.  Nawala sa isip ko iyon dahil sa ibang bagay nakatuon ang atensiyon ko.

"Marunong ka po Ate Thea?" inosenteng tanong ng batang katabi ko. Nilingon ko siya at hindi ko magawang sabihing hindi ako sigurado kung kaya pa, naaawa ako sa kanya. At natatakot ako na baka hindi ko na kaya. "Ate Thea?"

"O-Oo naman..." Pilit akong ngumiti, kahit sa sarili ko ramdam ko na ang unti-unting pag gapang ng takot at pangamba ko. "Saan ba idodrawing?"

Lumawak ang ngiti ni Kyle at napapalakpak pa habang may kinukuha sa bag niya. Nilabas niya doon ang isang typewriting at lapis. Tapos ay binigay sa akin.

"Sa kwarto na ako mag do drawing ha? Bibigay ko sa iyo agad. Surprise ko sa yo." Tumayo agad ako at mabilis na pumasok sa kwartong inookupa ko. Nilock ko pa ang pinto at patakbong naupo sa mesa ko.

Kinakabahan ako...

Paano kung totoo nga hindi na ako makakapag pinta? Hindi. Ayoko! Ipinilig ko ang ulo at huminga ng malalim. Kinuha ko ang lapis at sinimulang gumuhit-

Ngunit nabitawan ko ang lapis at nanginig ang kalamnan ko habang nakatitig sa lapis. Bakit hindi ko mahawakan ng maayos iyon? Bakit pakiramdam ko hindi mahawakan iyon ng tama. Napakalakas ng kalabog ng dibdib ko. Pinulot ko ulit ang lapis at nilagay pa iyon mismo ng maayos sa kanang kamay ko gamit ang kaliwa. Kaya mo yan Althea, naninibago ka lang.

Wicked Cinderella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon