CHAPTER 32: The BIG Truth

1.2K 11 0
                                    

Christian's POV

"Dito siya pumunta sa isang lumang bodega malapit sa park.. Nandito na siya at mukhang may hinihintay.."

Tumingin ako sa relo ko.. 6:42 pm.

"Sa park malapit sa West Cambridge?"

"Oo.."

"Sige, papunta na ako dyan."

*end of phone call*

Makakakuha na ako ng matibay na ebidensya...

Kinuha ko na ang susi ng motor ko. Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa motor ko. Pinaandar ko na yun...

*FLASHBACK*

"Dapat wag na muna tayong magpahalata na alam na natin.. Kailangan pa natin ng matibay na ebidensya saka natin isusumbong sa pulis ang mga ginawa niya..", sabi ko sa kanila. Lahat naman sila umagree sa sinabi ko.

"Hindi pa ba tayo kakain?", tanong bigla ni Neon.

"O sige kain na tayo.. Basta stick to the plan ah.. Wag kayong magpahalata kung makita man natin si Vhia.", sagot ni Maxine sa tanong ni Neon.

Lumabas na kami ng room at naglakad na pababa ng HS Building. Iniisip ko pa rin kung ano ang pwedeng gawin para matapos na ang lahat ng 'to..

Naglalakad na kami papuntang cafeteria nang mapatingin ako sa field. Natanaw ko si Vhia na pabalik balik na naglalakad at parang hindi mapakali. Napakunot ang noo ko. Ano na naman ba ang iniisip nun? Plano na naman niya?

Tiningnan ko si Maxine. "Maxine, una na muna kayo sa cafeteria.."

"Bakit? Saan ka pupunta?"

"Baka malapit na akong makahanap ng ebidensya.."

"Ha? Paano?", nagtatakang tanong niya.

"Sasabihin ko sayo mamaya.. Basta babalik rin ako."

"S-sige.. Thank you Christian." This time, ako naman ang nagtaka.

"Thank you para saan?"

"Thank you for helping me.", sabi niya sabay ngiti. Napangiti rin ako.

"Wala yun.. Syempre dapat tulungan kita. Sige na.." Ngumiti uli ako at tumalikod na. Naglakad na ako papunta sa field at sa pwesto kung saan malapit si Vhia. Pero bigla akong nacurious nang marinig kong may kausap siya sa phone.. Nagtago ako dun sa gilid.

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon