CHAPTER 4: My Annoying Teammate

1.8K 17 1
                                    

"Good morning!"

 

"Ay pusa! Nagulat naman ako sayo Denisse!" Kasi naman eh, pagkasaradong pagkasarado ko ng locker ko bigla syang bumungad sa harapan ko!

"Hahaha! Ganun ka pala magulat!" Sabi nya habang papunta sa locker nya na di naman kalayuan sa akin.

"Asan si Roxanne?"

 

"Nasa room na.. Di na sumama sakin eh." Nakuha na nya yung mga gamit na kailangan nya sa locker. "Tara na.."

Friday na ngayon. Give me a warm round of applause kasi nakatagal ako dito ng one week. -______-

3 days na ang nakalipas since nung first day of school, at sa loob ng 3 days na yun, hay nako!! Para akong nasa HELL! Naalala ko pa nung Arts class namin nung Tuesday.. =___=

*FLASHBACK*

Pinagdala kami ng Art teacher namin ng mga materials nung araw na yun. First lesson kasi namin ay painting kaya naman puro pangpaint ang dala namin.

I love drawing and designing dresses. Magaling akong magdrawing noh! Dahil na rin siguro sa kind of business na meron kami. :D

Busy ako sa pagpapainting nun ng isang babae na nakagown nang bigla kong maramdaman na para akong maiihi kaya pumunta muna ako sa CR.

Pagbalik ko sa room namin, wala yung teacher tapos nagulat nalang ako sa nakita ko!

"Oh no! Anong nangyari dito sa painting ko?" May nagbaboy ng painting ko! Kung anu-anong kulay ng paint ang nilagay dun tapos pinapangit pa ung babae! Nilagyan ng sungay at kung anu-ano pa!!

Nagsilapitan naman sila Roxanne at Denisse pati ung iba kong classmates. Nagulat din sila!

"Sino may gawa?" Mangiyak ngiyak na tanong ko sa kanila habang hawak ko ung canvas.

"Hindi namin alam Maxine.."

"Oo nga.. Busy kami sa painting namin eh.."

"Grabe naman. Sino kaya may gawa?"

"Nako! Kung sino man ang may gawa nito, makonsensya naman!"

Iba-ibang reaction yan ng mga classmates ko.

"Pffft... HAHAHAHAHA!"

"Ahahahahahaha!"

"Bwahahaha!"

"Wahahahahaha!!"

Napalingon nalang kaming lahat sa may gilid, kung saan nakapwesto sila Mr. Sungit at tawa ng tawa!!!! >__________< Ang sama talaga nila tapos nadagdagan pa ng isa! Oo, pumasok na ung Neon nung araw na yon!

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Where stories live. Discover now