CHAPTER 24: Revelation

1.5K 23 5
                                    

Maxine's POV  

Nang makita kong mag-isa lang kumakain si Caitlyn dun sa isang table sa sulok, tumayo agad ako at nilapitan siya.  

"Hi Caitlyn!"  

Lumingon siya at nagulat nang makita ako.  

"Ate Maxine!"  

Umupo ako sa tabi niya. "Bakit mag-isa kang kumakain?"  

"Ahh, bumalik lang sa room namin yung friends ko. May nakalimutan kasi sila."  

"Ahh.." Paano ko ba sisimulan to? Anong sasabihin ko?  

"Caitlyn diba friends naman tayo?"  

"Ha? Oo naman Ate! Bakit mo naman natanong yan?", tanong niya habang kumakagat dun sa tinapay niya.  

"Umm, kasi I have something to tell you."  

"Hmm.", sabi niya sabay tango pa na ibig sabihin ay ituloy ko yung sasabihin ko. Kumakain nga kasi siya diba? Kaya yun lang ang sinagot niya.  

"Transferee ako dito sa WCA this school year. Dati sa Manila kami nakatira then nagdecide ako na lumipat dito. Dalawa lang kaming magkapatid ni Kuya. His name is Angelo, pero I call him Kuya Gelo. Tapos si Mom nalang ang kasama namin kasi lumaki akong walang Dad.." Napakunot bigla yung noo niya. "Alam ko, alam kong nagtataka ka kung bakit ko sinasabi sayo. Kasi may reason ang pagtransfer ko dito.."  

"Ano yun?"  

"Meron kasi akong mission. Hindi sa isa akong detective or agent o kung ano man.. Ako lang ang nag-isip nung mission na yun. Gusto ko kasing mahanap yung half sister ko. Remember last time I asked you about your age, kung may kapatid ka ba, and you said na dapat lalaki ka nang walang tatay? Those are signs. Kasi bago pa ako pinanganak, iniwan na kami ni Daddy dahil nalaman niyang may anak siya dun sa girlfriend niya noon na halos kasabayan lang noong pinagbubuntis ako ni Mom which means magka-edad lang kami and alam ko isa lang yung anak ni Dad na yun. Kaya lang hindi naman niya alam na may isa pa siyang anak bukod kay Kuya.. Hindi niya ko kilala." Nalungkot ako dun sa thought na yun. Naalala ko na naman kasi yung pag-uusap namin ni Mom.  

"S-so ate, i-ibig mong sabihin a-ako yung half sister mo?", pagtatanong niya na parang may halong gulat.  

"Simula nung nagkaroon nung mga signs na yun, naisip ko na baka nga ikaw na yung half sister ko at baka maging successful na yung mission ko. Kasi connected yung kinuwento mo noon sa akin dun sa nangyari sa Mom and Dad ko. Diba dapat hindi mo makikilala yung Dad mo pero nung nalaman niyang buntis ang Mommy mo, bumalik siya? Ganun din kasi yung nangyari noon. At saka parehas kasi tayo ng surname. Full name ko ay Maxine Hariette Garcia."  

"Talaga? Pero... Ate Maxine, I'm sorry."  

"H-ha? Why? M-mali ba ako?"  

"I'm sure na hindi ako ang half sister mo. Sorry."  

"B-bakit?" Anong sinasabi niyang hindi siya ang half sister ko? Pero ang clear ng signs!  

"Nagkataon nga sigurong magkasing age tayo, magkaparehas ng apelido, at halos connected yung kwento ko sa kwento mo, pero hindi naman kasi nagkaroon si Papa ng ibang pamilya bukod sa amin ni Mama eh. Maghihiwalay na daw dapat noon si Mama at Papa dahil pupunta na nang ibang bansa si Papa, pero nung sinabi ni Mama na buntis siya sa akin, hindi na daw umalis si Papa. Ganun lang kasimple yung sa kwento ko ate. Sigurado akong walang naging ibang asawa si Papa.."  

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon