CHAPTER 33: Acceptance and Forgiveness

1.3K 20 0
                                    

Maxine's POV

Saturday ngayon, kaya naman medyo tinanghali na ako ng gising. Tumayo na ako sa kama at nagpunta na sa CR.

Naisip ko na naman yung sinabi ni Christian kahapon. Malapit na raw siyang makahanap ng matibay na ebidensya laban kay Vhia. Hindi niya sinabi sa akin kung paano, basta siya nalang daw ang bahala.. Sana naman magkatotoo nga ang sinabi niya dahil gusto ko nang matapos ang lahat ng 'to...

Lumabas na ako sa CR. Napansin ko naman yung colorful box na nakapatong sa study table ko. Nagtaka ako kung ano iyon kaya tiningnan ko at kinuha, pero biglang bumukas ang pinto.

"Oh bunso gising ka na pala...", sabi ni yaya nang makita ako.

"Ano po 'to?", tanong ko sa kanya habang pinapakita yung box.

"Ahh oo.. Nilipat ko dyan sa box na yan yung mga paboritong gamit mo nung bata ka pa.." Mga gamit ko noon? Binuksan ko yung box at nakita ko nga yung mga laruan ko noon, pati yung mga favorite accessories ko. "Naglinis kasi ako sa basement, eh ang dumi na nung unang box nyan kaya nilipat ko dyan."

"Nasa basement lang po pala 'to.. Hinahanap ko na 'to dati pa..", sabi ko habang hinahalungkat yung box.

"Gutom ka na ba? Bumaba ka na maya maya para makakain ka na ha.. May gagawin pa kasi ako.", sabi niya sa akin at lumabas na nang kwarto.

Tinitingnan ko pa rin yung mga laman nung box. Nakita ko yung favorite kong maliit na stuffed toy dati, pati yung mga necklaces and earrings ko noon.

Pero napatigil ako nang may makita akong parang picture. Kinuha ko yun at tiningnan.

Ahh, ito pala yung picture ni Daddy na hinahanap ko dati... Pero parang nakita ko na 'to noon...

Dahil sa pagmamadali ko dala ng sobrang gutom, nabunggo ko ung upuan ni Vhia kaya nagkalaglag ung nasa desk nya na mga papel at libro, pati bag nya! Di pa naman sarado kaya pati ung laman nun, natapon din at nagkalat! Hala! Pag nakita ako ni Vhia nyan, baka di na ko makalabas ng buhay dito sa room na to!

Pinulot ko agad ung mga papel bago pa liparin, tapos pinatong ko na uli sa desk nya pati ung libro. Kinuha ko na din agad ung mga laman ng bag nya pero biglang may nilipad na picture at napunta un sa labas ng room! Oh no! Dali Maxine, takbo! Di pa ko nakakalabas ng room, tumigil na ung picture at di na nilipad. Medyo nakita ko ung nasa picture.. parang lalaki sya, at medyo familiar.

O_____________________O

Naalala ko na! P-pero, bakit may picture ni Dad si Vhia??

NO.. DON'T TELL ME?

Bigla na namang bumukas ang pinto. "Bunso may bisita ka.. Christian daw ang pangalan.."

H-hindi pwede.. No, no, hindi totoo yun..

"Bunso? Masama ba pakiramdam mo?" Di ko na namalayan na may sinasabi pala si yaya at lumapit na siya sa akin.

"H-ha? Po? A-ahh! Okay lang po ako.."

"Okay ba yan? Eh parang nakakita ka ng multo.."

"Wala po.. I-I'm fine ya..", sabi ko at binalik ko na yung picture ni Dad dun sa box at tinakpan yun. Binura ko nalang agad sa isip ko yung mga naisip ko kanina...

"Bumaba ka na.. Sabi ko kanina may bisita ka.. Christian daw ang pangalan niya.."

"Si Christian po?" Bigla namang naiba ang mood ko nang marinig kong nandito siya.

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Where stories live. Discover now