CHAPTER 21.2: The Lucky and Unlucky

1.6K 15 0
                                    

Bigla kong naalala na kasali nga pala si Maxine sa quiz bee na yun! Kaya kung papayag ako sa gusto ni Mam Leah, madalas ko nang makakasama si Maxine! :D

"Oh, napapangiti ka na dyan.." Natigil ako sa pag-iisip dahil biglang nagsalita si Mam. "So ibig sabihin nyan, sasali ka na sa quiz bee?"

"Gusto ko lang itanong.. Paano kapag natalo naman kami dun, makakapasa pa rin ako?"

"Uhm.. Yes, dahil malaki rin ang points pag participant. Parang points din na nakukuha mo pag sa basketball." Ahh! Malaki-laki rin ang nadadagdag na points ko sa P.E. pag may laro kami. Kaya hindi ako bumabagsak sa P.E. eh! "Interesado ka na ba?"

Gagawin ko 'to dahil kay Maxine. Ito na ang chance ko para mas lalong mapalapit sa kanya!

"Yes.."

"Good! Kailangan mong pagsikapan 'to.. May tutulong naman sayo dahil kasama mo rin sila Maxine at Vhia." Kaya nga eh! 

"4 hours everyday kayo magrereview. Yung last two periods mo, excuse ka na then hanggang 6:00 kayo dito. Mamaya start na ng review mo, you must prepare."

"O, nandyan na pala kayo.." Lumingon ako at nakita sila Maxine at Vhia. Nagsmirk naman ako kay Maxine. Hah! Swerte ako ngayon!!

Pinaupo sila ni Mam Leah at nagsimula nang iexplain kung bakit sila pinatawag at kung bakit din ako nandun.

"REALLY?!" - Vhia

"WHAT?!" - Maxine

"Really Mam Leah? That is so great!" - Vhia

"Siya po?! Bakit po siya?" - Maxine

Yung isa, tuwang-tuwa.. Yung isa naman, halatang ayaw na ayaw. -____-

"Calm down girls!", pagsaway sa kanila ni Mam Leah. 

"Christian needs to join the quiz bee to pass my subject this grading. Marami syang bagsak sakin, and joining the quiz bee is his only chance para makapasa. Kaya kailangan niyo siyang tulungan sa pagrereview. Maxine, may problema ba? Bakit parang ayaw mo na si Christian ang isasali ko?"

"A-ahh.. I-it's not like that. N-nagulat lang po ako.", sagot ni Maxine. Ganun nya ba ko kaayaw?

"Don't worry Mam. I'll help Christian.", sabi naman ni Vhia sabay ngiti sakin. Talaga bang hindi sya agad agad sumusuko?! Sinabi ko nang tigilan nya na ko pero ayan pa rin sya! Matagal na syang ganyan.. Simula pa nung nagkakilala kami nung naging business partner ni Mommy at Daddy ang parents nya. Pero nagtataka nga ako nung nalaman ko ang buong name ng parents nya. Magkaiba kasi ng last name.. Tss! Never mind!

"Okay.. So maayos na ang lahat?", tanong ni Mam. At sumagot naman kami ng oo. "You can go back to your rooms." 

Tumayo na kami at lumabas ng office.

Bigla namang kumapit sa braso ko si Vhia at nakagrin. "Edi mamaya pala makakasama na kita?" Tinanggal ko naman agad ung kamay nya sa pagkakakapit sa braso ko.

"Vhia I told you to stop acting like that.."

(DN: Oha! Ganyan ang bagsak, umeenglish pa! Hahaha. Pero kasi mayaman sila Christian kaya syempre, natuto rin syang mag english, you know! XD)

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt