CHAPTER 31: Everything is cleared.

1.3K 15 2
  • Dedicated to Camille Joy Perez Nocon
                                    

Christian's POV  

"Paano mo nasabing ako ang pinili niya ha?! Pinakinggan mo ba kung ano ang mga sasabihin niya?! Alam mo ba kung sino talaga ang pinili niya?! Ang tanga mo Christian! Hindi mo man lang siya binigyan ng pagkakataon na sabihin ang lahat sayo! Tapos ngayon nasasaktan siya ng sobra! Nung inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko, sobrang sakit nang malaman kong iba ang mahal niya! Hindi ako ang mahal niya, kundi ikaw! IKAW ANG MAHAL NIYA! Manhid ka ba para hindi maramdaman yun?!"  

Napatigil ako sa sinabi niya.  

A-a-ako? M-m-mahal ako ni Maxine?  

"Wag ka nang magpakatanga.. Wag ka nang magpakaduwag.. Hindi mo ba kayang ipaglaban kung anong nararamdaman mo? Ang hirap kasi sayo, hindi mo pa alam kung anong totoo, nag-iisip ka na ng kung anu-ano.. Masyado kang nagjujump to conclusions!"  

Wala na akong naisagot sa mga sinabi ni Luke. Natulala nalang ako at napaisip..  

A-ang t@nga ko.... ANG T@NGA KO!!  

Hindi ko nagawang ipaglaban ang pagmamahal ko para sa kanya... Ang duwag ko!!  

M-masyado akong nagpadala sa selos at emosyon ko kaya hindi ko na nagawang pakinggan kung anong sasabihin ni Maxine...  

M-mahal niya pala ako, p-pero nagpakamanhid ako...  

Napatakip nalang ako ng mukha... Pagsisisi at galit ang nararamdaman ko.. Galit ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko!!  

"Kung ako sayo, pupuntahan ko na siya ngayon... Wag ka nang mag-aksaya ng oras bago pa mahuli ang lahat.. Sabihin mo na ang nararamdaman mo sa kanya dahil hinihintay ka lang niya.." Tumalikod na siya at lalabas na ng Music Room, pero lumingon uli siya at tiningnan ako. "Nasa garden siya ngayon..." At tuluyan na siyang umalis.  

Ito na ang oras para itama ko ang mga maling ginawa ko kay Maxine.. Ito na ang panahon para sabihin ko sa kanya na mahal ko siya..  

Nagmadali na akong lumabas ng Music Room at pumunta sa garden.  

Maxine's POV  

Ano na kayang nangyari? Sabi ni Luke kakausapin niya si Christian... Nakausap kaya niya?  

K-kung mahal nga ako ni Christian, bakit kailangan niya akong iwasan? Sana kausapin na niya ko...  

"Maxine..."  

O___________________O  

Bigla akong kinabahan when I heard his voice. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko... Tumayo ako at lumingon sa likod...  

At ayun si Christian, nakatayo at nakatingin sa akin.. Nilapitan niya ako at biglang niyakap.  

"Maxine... I'm sorry.. Sorry sa lahat ng ginawa ko sayo, sorry kung pinilit kong iwasan ka, sorry dahil nasaktan kita... Sorry.."  

Pagkasabi niya nun, naiyak na ako. Hindi dahil malungkot ako, kundi dahil masaya ako na nagsosorry siya sa akin ngayon at kinakausap na ako.. Niyakap ko rin siya pero hinigpitan pa niya ang pagyakap sa akin at hinaplos pa ang buhok ko.  

"B-bakit mo ba ako iniwasan?"  

"Nagpakatanga ako eh... Inuna ko ang pagseselos dahil akala ko si Luke ang mahal mo.. Hindi ko muna pinakinggan ang gusto mong sabihin.."  

Humiwalay ako ng kaunti sa pagkakayakap niya and I looked into his eyes. "C-Christian, d-do you love me?"  

Napangiti lang siya. "Dati ang tanong mo sa akin 'do you like me', ngayon naman 'do you love me'.."  

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Where stories live. Discover now