CHAPTER 27: They are back.

1.2K 15 1
                                    

Vhia's POV

I'm a GENIUS talaga kahit kailan! Hahaha! Unti-unti nang nagtatagumpay ang plano ko....

Thanks to my dear friend na nakatira sa Italy! Because of her, nalaman ko na namatay na pala ang dad ni Luke at uuwi na siya dito sa Pilipinas. Kilala niya kasi yung isa sa mga employees nila Luke. Kaya naman lahat ay umaayon sa plano ko! >:D

At tingnan niyo nga naman.. Pagdating talaga kay Maxine, nagiging utu-uto yang si Luke! Pumunta agad siya nung nagtext ako na nanghihingi kunwari ng tulong si Maxine! Awww. Sigurado akong may gusto rin siya kay Maxine... Kaya naman ang sarap wasakin ng pagmumukha nyang malanding babae na yan!!

Oh well, kanyang-kanya na si Luke! Basta akin si Christian...

Christian's POV

Matamlay na naman akong umupo sa upuan ko. Lumingon ako sa katabing upuan ko... bakante pa rin.

Hindi pa rin nagpapakita si Maxine hanggang ngayon. Totoo nga kaya na kasama niya si Luke? Bakit naman nila kailangang umalis at magpakalayo? Bakit kailangan nilang gawin to?

Sa ngayon, hindi ko na alam kung anong nangyayari. Kapag tinanong niyo kung sino na yung mga nababaliw sa kaiisip? Isa na ko dun. At saka karamay ko yung author. Sabi niya sa akin lokang-loka na raw siya sa mga pangyayari dito sa storyang to. Bisitahin niyo nalang daw siya sa mental pag may time kayo.

Nagdiscussion na pero wala naman dun sa tinuturo yung isip ko. Lumilipad lang yung utak ko kung saan saan. Hindi ko nga rin namalayan na break time na pala.

Tumayo na ko at lumabas ng room. Tinatawag nga ako nila Kevin pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko munang mapag-isa ngayon. Pumunta nalang ako sa garden kung saan wala masyadong estudyante. Tulad ngayon, ako lang ang mag-isa dito kaya tahimik.

Naupo ako sa isa sa mga benches at ito na naman yung utak ko, kung anu-ano na naman ang naiisip.

Mahirap tanggapin kung...k-kung totoo yung mga picture nila Maxine at Luke. Masakit kasi eh!

Naalala ko nung kinausap ako noon ni Luke at sinabing aamin na siya kay Maxine pero humahanap lang siya ng tyempo. D-di kaya yun na yung ginawa niya? Pagkauwing pagkauwi niya dito, pinapunta na niya si Maxine at nagtapat na siya? Tapos si Maxine, p-posibleng may gusto rin sa kanya?

Masakit mang isipin pero....b-baka nga yun ang nangyari. Bading na kung bading isipin, pero sa tingin ko maiiyak na ko ngayon dahil sa sakit. Wala na ba talaga akong magagawa? Wala na ba talaga akong pag-asa? Huli na ba ang lahat?

Kahit na sabihin ko sa kanya ang lahat lahat, mukhang ako lang rin ang masasaktan. Kaya mas mabuti pang wag ko nalang sabihin. Kahit yung nalaman ko na siya si Lady.. ayoko na ring sabihin dahil wala na rin namang mangyayari. Huli na ako...

"Bakit mag-isa ka dito?" Napalingon ako dun sa biglang nagsalita. Si Vhia.

"Umalis ka na muna Vhia.. Gusto kong mapag-isa.", matamlay na sagot ko sa kanya. Pero hindi siya nakinig sa akin at umupo pa rin siya sa tabi ko.

"Umiiyak ka ba? Bakit, anong nangyari?" Hinawakan niya ako sa balikat.

"Hindi mo ba alam ha?! Ilang araw nang hindi nagpapakita si Maxine! Nasasaktan ako eh, sobra..." Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko at tuluyan na kong naiyak. Niyakap naman ako ni Vhia.

"Don't worry.. I'm here naman eh." Kumalas ako sa pagkakayakap niya. "Bakit, saan ba nagpunta si Maxine? Baka naman ayaw na niyang magpakita sayo.. Baka gusto niyang magpakalayo.."

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Where stories live. Discover now