CHAPTER 16: The CONFESSIONS

1.5K 20 0
                                    

Luke's POV

Nakarating na kami dito sa bahay. Umorder nalang kami ng pizza. Gusto daw manood ng movie ni Den kaya pagbibigyan ko na. Umagree din naman ung iba.

Hinihintay nalang namin ngaun ung pizza. Tambay muna kami dito sa sala.

"Ang tagal naman nung pizza!" - Kevin

"Oo nga. Gusto ko nang manood." - Den

"Gutom na nga ako eh.." - Neon

"Ano ba kayo! Puro reklamo eh!" si Roxanne naman ung sumigaw. "Oo nga, ako din gutom na.."

"Hahahahaha!" Natawa naman kami sa kanya.

"Tamo! Ikaw din pala gutom na!", sigaw naman ni Maxine.

Natahimik naman kami pero maya maya nagsalita si Kevin.

"Maxine, di pa nga pala ako nakakapagsorry sayo.." Humarap sya ng seryoso kay Maxine. "Sorry sa lahat ng mga nagawa ko.."

"A-ah.. Kalimutan na natin yun!" Tapos ngumiti si Maxine.

"Ah ako din pala.." Si Neon naman ang nagsalita. "Sorry din Maxine ah.."

"Oo.. accepted na ung sorry nyo." Ngumiti uli si Maxine sa kanila.

Napatingin naman ako kay Christian. Pati silang lahat napatingin na. Nag-aantay kami kung magsasalita si Christian..

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya.. "Lalabas na muna ako." Tumayo na sya at lumabas na nga. Kami naman di na nakapagsalita.

"Anung nangyari dun?" - Kevin

Tiningnan ko naman si Maxine at nakita kong tumungo lang siya.

"Mukhang ayaw pa nyang magsorry sayo..", sabi ni Neon kay Maxine.

"Eh nung--- wala.. wala.." May sasabihin dapat si Maxine pero hindi niya tinuloy.

"Nung?" Tanong ko sa kanya kasi nacurious ako.

"Wala.. never mind." May ayaw syang sabihin? Sa tingin ko nagkausap na sila ni Christian noon. Napapansin ko din na madalas tahimik si Christian tapos parang nag-iiwasan pa sila ni Maxine.

Bigla namang pumasok uli si Christian at dala dala na ung pizza namin.

"Oh, dineliver na.." Sabay lapag nung pizza sa center table.

"Yun! At last!" - Kevin

"Tara nood na tayo!", sabi ni Den habang namimili na ng CD dun sa CD rack.

"Patayin natin ung ilaw!" sabay tayo naman ni Neon at pinatay nga ung ilaw.

"Sige couz, ikaw may-ari nitong bahay eh!", sarcastic na sabi ko kay Den. Kasi naman sya na ang nag-operate nung player.

"Ganun talaga Kuya! Alam ko naman kung paano buksan to noh!" At yun nga, sya na talaga nagpipindot dun.

Napatingin naman ako kay Christian na naglakad uli palabas ng bahay. Nagtataka na ko sa mga kinikilos nya ah.. Tumayo na ko para sundan sya sa labas.

"Uy Luke san ka pupunta?", tanong sakin ni Kevin.

"May titingnan lang ako sa labas.." Tumango lang sya sakin. Lumabas na ko at nakita ko si Christian malapit sa pool, hawak-hawak ung cellphone nya at mukhang may katext.

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon