CHAPTER 17: The Quiz Bee Participants

1.5K 18 0
                                    

Maxine's POV

"Whooo! Panalo ko! Mas mataas score ko! Pano ba yan, ililibre mo na ko.."

"Madaya ka naman eh!"

"Anong madaya? Pag gwapo talaga, nananalo.."

"Tsss.."

Ang ingay naman nitong si Den at Neon! Yup, silang dalawa yan. Hindi na awkward si Den kay Neon eh. Two weeks na rin kasi ang lumipas after nung manalo si Luke sa SC Election at simula nung pumunta kami sa bahay ni Luke, madalas na kaming magkakasama.

Tambay kami dito sa school garden ngaung break time. Si Den at Neon, may nilalaro sa phone. Ewan ko naman kung ano yun. Si Roxanne at Kevin naman, nagsasoundtrip. Share sila sa earphones. Si Christian naman, ayun natutulog! Si Luke hindi namin kasama kasi may ginagawa sa SC Headquarters. President eh kaya madalas siyang busy. Ako naman, nagbabasa ng ebook. :) Ang title ay Love is Never Lost. Basahin nyo yun, maganda din ung story na un! :D

(AN: Trip ko lang isama ung Love is Never Lost dito.. :P Ang story na un ay sinulat ni AKO, misszedriene po ang username. hehehe..)

"Isa pang laro dali!", biglang sabi ni Den kay Neon.

"Oo na! Ako na una!" - Neon

"Ano ka! Ladies first aba!" - Den

"Ang ingay nyo! Di ako makatulog nang maayos.." Biglang tumayo si Christian dahil nagising sya sa ingay nung dalawa.

"Sorry bro!", sigaw ni Neon pero nakatalikod na si Christian. Naglakad na palayo. Baka maghahanap ng ibang lugar na pwedeng tulugan.

Nag-uusap na kami nun paminsan minsan tapos di na rin sya madalas magsungit. Kaya lang ang tahimik nya palagi. Lalo na pag magkakasama kami nila Luke. Ewan ko ba dun! Mood swings na naman! -___-

Naalala ko si JC! Napag-isipan ko na nga pala kung ano isasagot ko sa kanya. Payag na ko na magkita kami. Matext nga yun.. baka break time din nila.

To JC:) : hi JC! break time nmin ngaun. kau dn b? tara txt txt nmn tau.

Maya-maya nagreply na sya.

From JC:) : sakto ka ah. :) break dn nmin..

To JC:) : npagicpan q na nga pla.. cge payag na qng mgkita tau. gusto na dn nman na ktang mkilala eh.. :)

From JC:) : tlga? cge iset na ntin kung kelan!

Pinag-usapan na nga namin kung kelan, anung oras, saan, at kung anong color ng suot nmin. Sa Saturday ang napagkasunduan nmin. 1pm sa mall tapos ang suot ko ay pink shirt na fit na may bear design. Siya naman daw ay blue t-shirt na Tribal.

*BELL Rings!*

Nagsitayuan na kami at pabalik na ng HS Building dahil nagbell na. Nagtext naman na ko kay JC na may klase na uli ako.

Habang naglalakad kami, biglang may tumawag sakin.

"Maxine!"

Lumingon ako at nakita ko na si Luke pala yun.

"Pinapatawag tayo ni Mam Leah. Excuse na daw muna tayo sa next class natin."

"Sige guys una na kayo..", sabi ko kina Den. Humarap naman ako kay Luke. "Bakit daw?"

"Di ko alam eh. Punta na tayo sa office nya para malaman na natin kung bakit." Naglakad na nga kami papunta sa office ni Mam Leah.

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon