CHAPTER 10: Jealousy? Strike #1..

1.6K 18 0
                                    

Luke's POV

zZzzZzzzZZzzZzz...

"Oy sira! Hindi kaya ganun yun!"

"Di naman ganun ang nangyari noh!"

"Baliw! Napaka mo!"

"Aray! Ansakit ah!"

Hmm.. Ang ingay naman ng mga kaklase ko! Inangat ko ang ulo ko.. Panira ng tulog tong mga to! Nakita kong wala kaming teacher. Kaya naman pala ang ingay eh! Bakit wala na namang ginagawa? Tsk. 2nd period palang namin ngayon..

Nilibot ko ang paningin ko.. Wala sina Maxine sa room, pati sina Christian. Tss, iniwan ako.

Tumayo na ko sa upuan ko at lumabas na ng room. Pumunta ako sa Music Room at nakita ko sila Christian na nandun.. Natahimik naman sila nung pumasok ako..

"Oy iniwan nyo ko sa room!", pabirong sigaw ko sa kanila.

"Sasama ka ba sa gig bukas?", sarcastic na tanong ni Kevin.

"Oo! Bakit ba nagkakaganyan kayo?" Parang binabalewala na nila ko!

"Ikaw nga dapat tanungin namin nyan eh." - Kevin

"Ah! Alam ko na.. Dahil na naman kay Maxine?", tanong ko sa kanila.

"Sagutin mo nga kami ng maayos! Bakit ba sumasama ka sa Maxine na yun?" Bumaba si Christian dun sa stage at lumapit sakin.. "Dude di ba ikaw pa nga ang nag-isip ng plano.. Ano nangyari sayo?"

Napatungo ako.. "Narealize ko lang na mali yung ginagawa natin. Dapat hindi tayo nananakit ng iba lalo na kung babae. Naisip ko kasi, pano kung gawin din yun kay Melody.. Christian isipin mo, pano kung gawin yun sa kapatid mo? Saka kung makikilala mo si Maxine, mabait naman syang tao.. Wala naman syang ginawang masama sa atin para masaktan sya ng ganun. Bigyan mo ng chance ang sarili mo na kilalanin sya. Please dude, ayoko namang masira ang pinagsamahan natin nang dahil lang kay Maxine.."

Natahimik sila..

"Tama naman ako diba?" Walang umimik sa kanila.. Nilagpasan ako ni Christian at lumabas na ng Music Room. Ang hilig magwalk-out.

"Oy Christian! di pa tapos practice natin ah!" sigaw naman sa kanya ni Neon. Tumingin naman sya sakin, "Pre, mukhang tinamaan sa words of wisdom mo ah!"

"Oo nga, pati kami eh!" Natatawang sabi ni Kevin. Lumapit sila sakin at nakipag-apir.

Maxine's POV

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Where stories live. Discover now