CHAPTER 23: Emotions

1.7K 20 1
                                    

Maxine's POV

♫I'm at a payphone trying to call home all of my change I spent on you

Where have the times gone? Baby it's all wrong

Where are the plans we made for two?

Yeah I, I know it's hard to remember the people we used to be

It's even harder to picture that you're not-----♫

Arggggghhhh! Kainis naman 'tong alarm na to! Inaantok pa ko eh! >_______< Di naman pwedeng hindi pumasok. 

Kasi naman, hindi ako pinatulog ni Christian kagabi! Hanggang sa pagtulog ko, naisip ko sya! =_______= Oo na, aaminin ko na sa inyo na siguro nga nagkakagusto na ko sa kanya, pero hanggang dun lang yun! Promise. Sineryoso ko ba masyado yung pagiging mabait nya kagabi? Ha? Sabihin nyo nga sakin. Baka naman mood swings na naman yun, tapos si ako naman eh nagpadala. Ay bwisit. >______<

Tumayo na ko at parang zombie na naglakad papuntang CR. Habang naliligo ako, naalala ko yung pag-uusap namin ni Mom kagabi.

*FLASHBACK*

"Oh, anak.. Nandito ka na pala." Pagkapasok ko ng bahay, si Mommy ang sumalubong sakin. "Bakit ganyan itsura mo? Are you okay baby? Parang namumula ka ata."

Tinapik tapik ko naman ang pisngi ko. "Really Mom? Ahhhhhh! Nakakahiya!"

"Ha? Ano ba yang sinasabi mo?" Dinala nya ko sa sala at naupo muna kami dun. Kasi naman nakakahiya yung ginawa ko kanina! >______<

"Kasi Mom, I think I like him. O baka dahil nadala lang ako sa mga pinakita nya kanina."

"Sino naman yan baby? The guy we're talking about sa phone kanina?" Tumango naman ako. "What's his name nga ba?"

"Christian. Hinatid nya po ako pauwi, tapos sobrang bait nya kanina. Kaya sabi ko tuloy good night. Nakakahiya po! Pano ko nalang sya haharapin bukas?"

"Ano namang masama sa pagsasabi ng good night?" Napaisip ako sa sinabi ni Mom. Oo nga naman.. Pero.

"Pero Mom, madalas kaming nag-aaway nun. As in walang araw na hindi kami nag-away. Kaya parang nakakahiya nung sinabihan ko sya ng good night."

"Sinabihan ka rin ba nya ng good night?" Tumango uli ako. "Ayun naman pala eh. Siya rin pala ay nag good night rin kaya that's okay. Saka paano mo naman nasabi anak na like mo na sya?"

"Ewan ko po.. Basta parang may ibang feeling po pag nandyan siya. Kaya lang Mom, ayoko nang mas lumalim pa yon. Hanggang like lang, and sasabihin ko rin po sa inyo diba kung bakit ayaw ko nang ihatid sundo nya ko?"

"Oo nga pala. And also, hindi ka na muna maihahatid sundo ni Mang Lando kasi umuwi siya sa province nila kanina. May sakit daw yung anak nya, kaya gustung-gusto nyang makauwi so pinayagan ko na. I guess si Christian na nga muna ang magiging driver mo for the meantime.", sabi nya while grinning.

"Mom! Are you serious?! Ayoko na nga pong palagi siyang kasama dahil baka mabully ako ng mga fangirls nya. Pero guess what, hindi ko na po sya pwedeng iwasan dahil makakasama ko sya sa History quiz bee. Makakasama ko siya every day sa review!"

"Fangirls? Oh I remember, he's their band vocalist na sinabi mo noon. Ganun ba ang mga schoolmates mo dun, nangbubully ba sila?!"

"Hindi naman po, pero madalas silang nakadeath stare sakin. Gusto ko lang naman pong umiwas sa gulo. Pero ang sabi ni Christian sakin, wala naman daw silang pakialam and he'll protect me daw."

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Where stories live. Discover now