Thirty Six

601 15 21
                                    

Isinara ko agad ang aking laptop ng mabasa ang unang linya ng kanyang mensahe. Ramdam ko ang paglakas ng kabog ng aking dibdib. Na para itong nasa karera at may kung anong hinahabol. I bit my lip before closing my eyes. Im dreaming,right? That message was pure imagination. My brain came up with that kind of illusion because Im missing him too much?fvck. Baliw na ako.

Mabilis akong lumabas ng aking kwarto at dumiretso sa kusina. Parang may nakabara ngayon sa lalamunan ko at hindi ako makahinga ng maayos.

Dahil hindi ako mapakali sa aking pagkakatayo, pumunta ako sa upuan sa tabi ng bintana at tinignan ang langit. Pinilit kong 'wag umiyak at isipin ang nakita ko kanina. Hindi na dapat ako nagkakalkal ng kung anu-ano. Wala akong napapalang matino.

Nakahawak pa din ako sa aking dibdib habang pinapakiramdaman ang mabilis nitong paggalaw. Tumingala ako sa langit at tinignan mabuti ang mga bituin at ulap,nakalma ako kahit papaano.

"Pause. I need a pause." bulong ko.

Pause. How I wish there's a pause button in my life. So I could stop thinking about him. So I could stop my stupid tears from falling. And so I could stop my heart from swelling because of too much pain.

'Si Adam lang s'ya,Hannah.' - 'yan ang sinabi sa akin noon ni Ice nang mag-kwento ako. Si Adam,oo, para sa kanya si Adam nga lang 'yon.

Pero para sa akin, si Adam Fenton Mercado 'yon. Si Adam Fenton Mercado na kayang pahinain ako. He always have that power over me. Because from the very start, I declared myself as his property. With or without his confirmation, Hannah Denise is Adam Mercado's.

"Bakit gising ka pa?." nagulat ako nang marinig si Ice sa aking likuran. Nakasuot na sya ng pantulog at halata na din sa kanyang mga mata ang antok. Ngumiti ako ng pilit.

"Ang ganda ng langit. Bilog ang buwan." ibinalik ko ang tingin ko sa langit. Huwag kang iiyak,Hannah. 'Wag.

Nanatali akong nakatingin sa labas hanggang sa maramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Ice sa upuan. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay may hawak na dalawang baso at isang bote ng wine.

Kinuha ko ang isang baso at ipinagsalin naman ako. "Isang baso lang,ha?. Gusto mong pag-usapan 'yan?." he looks concerned. Kayang-kaya talagang basahin ni Ice ang galaw ko kahit hindi ako magsabi.

Umiling ako. May tumakas na luha sa mata ko. Sht.

"Si Tito ba?. May nangyari sa kanya?." umiling ako bago uminom ng wine. Ayoko ng lasa ng wine pero ngayon,parang wala nang pakielam ang panlasa ko sa kung ano mang inumin o kainin ko.

"Trabaho?. Napagalitan ka ni Boss?." hula nanaman nya. Umiling lang ulit ako.

Napatigil sya saglit bago magsalita.

"Sya nanaman?." tumaas ang tono ng boses nya. Hindi ako sumagot at nakatingin lang sa labas.

"Alam mo ba,Ice. Paborito kong tignan ang langit?." tumingin ako sa kanya ng nakangiti. "Kahit kasi anong panahon,umuulan man, o maaraw, hindi nawawala yung ganda nya. Nabasa ko lang 'yon dati sa libro. Kaya simula 'non,naging paborito ko na din tignan ang langit kahit pa anong panahon ang mayron."

"Pero kahit pala anong ganda ng langit, at kahit anong titig ang gawin ko, hindi pa din tumitigil ang pagkabog ng dibdib ko ng mabilis. Bakit ganon? 'Di ba dapat kakalam ako kahit papaano?It usually works,you know?." muli akong uminom ng wine.

"Hindi naman konektado 'yang langit sa nararamdaman mo. Pano ka kakalma?." nakatitig lang sya sa'kin. Pinapanuod ang bawat paggalaw ko.

Ngayon ko lang napansin ang malalim na kulay ng mga mata ni Ice. Yung makapal nyang mga pilikmata, mapulang labi, at matangos na ilong. Okay, gwapo si Ice.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon