Thirty

498 29 5
                                    

Nang idilat ko ang mga mata ko ay mukha nya agad ang sumalubong sa akin. Payapang-payapa ang pagtulog nya sa tabi ko. Napangiti ako. Mas masarap pala matulog ng ganito na katabi ko sya. Yun bang natulog lang talaga kami at walang nangyari kung ano?

Magulo pa ang kanyang buhok kaya inayos ko ito. Marahan kong hinawakan ang kanyang ilong papunta sa pisngi. Hanggang sa makarating ako sa mapula nyang labi. I suddenly want to steal a kiss from him. Other than the fact that his hand is on my waist and our legs are tangled, his angelic face makes my morning even better. If this is a dream, I'd kill the person who will wake me up.

I should be fuming mad at this guy. Hindi ko dapat tinititigan ng ganito ang mukha nya dahil sa mga nangyari kagabi. Pero wala pa syang ginagawa at sinasabi ay unti-unti nang nawawala ang pagdududa ko. Makita ko palang sya dito sa tabi ko ay ayos na ako. Dammit,baliw talaga ako sa kanya.

"Baby..." he mumbled. Unti-unti nyang idinilat ang kanyang mga mata.

"Good Morning?." tumakip ako sa aking bibig habang nagsasalita. Baka bad breath,nakakahiya. Hindi nya ako katulad na kahit ata hindi magsipilyo ay walang napapanis na laway.

Ngumiti sya at humalik sa aking buhok. Hinigpitan nya ang pagkaka-akap sa akin. Those are are my favorite moves of him.

"Hindi pa ba tayo lalabas ng kwarto?." tanong ko sa kanya.

"Nope. Not yet." halata sa boses nyang inaantok pa sya. Siniksik ko pa ang sarili ko sa kanya. Oh god, ang bango talaga.

"Alam ba nila na dito ka natulog?Paano pag nakita nila tayo?."

"I don't care. At kahit pa mabuntis kita ngayon at malaman nila,wala akong pakielam. Now,do me a favor and keep quiet for a while. Im still sleepy,baby." I shut my mouth. Bigla akong nainitan at parang gusto ko munang lumayo dahil nanuyo ang lalamunan ko.

He is too straightforward. Hindi ko alam kung may hangover pa sya o wala sya sarili nya! Naiinitan talaga ako.

"Hannah,one more thing." bigla syang nagsalita ulit. Hindi ko nakikita ang kanyang mukha dahil ang ulo ko ay nasa dibdib nya.

"What is it?I thought you're sleepy?."

"Sssh. Makinig ka muna.." humawak sya sa kamay ko ng mahigpit. "Hindi tayo nagsimula ng maayos,Hannah. Im so fvcked up when we started dating. You wouldn't understand but last night, I actually realize how important you are to me and how scared I am to lose you." I dont know what to say because I honestly don't know what he is talking about. This was just like last night.

Wala akong nakitang mali nang magsimula kaming dalawa. Depende kung sya mismo sa sarili nya,alam nyang may mali sa amin.

"Can we start our relationship in a clean state? Can we start all over again,baby?." I nod. I nod because I can feel his body stiffened.

I don't know why is he scared. He is to vague. Naguguluhan ako lalo ngayon dahil pakiramdam ko may mali talaga. May mali sa amin kaya gusto nyang ayusin 'yon.

Hindi na ako sumagot at nagsalita pa. Hindi ko alam kung bumalik sya sa pagtulog o tumahimik lang talaga sya. Hinigpitan ko lang ang akap sa kanya para kumalma sya. Nararamdaman ko ang lakas ng kabog ng dibdib nya ngayon.

Ilang minuto pa kaming nanatili sa kwarto hanggang sa naramdaman ko na ang paggalaw nya. Tinignan ko ang orasan, aabot pa naman kami ng agahan.

Nang makababa kami ay naroon na sa dining area ang lahat,except Kris and Melody. Hindi ko maiwasan na mahiya sa mga tingin nila sa amin. Sabay kaming lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.

"Good Morning, love birds. Ah, in case you want to know,nauna na sila Melody, may kailangan pa daw silang tapusin na trabaho." bati sa amin ni Daryl na kanina ay busy sa paglalaro sa kanyang phone.

Tumingin agad ako kay Adam at tumango lang sya kay Daryl.

"I didn't see you in your room this morning,Kuya?." pambungad ni Cheska ng makalapit kami sa dining area. Nanlamig ang kamay ko.

Naupo ako sa tabi ni Kairie habang si Adam ay sa harapan ko. Binigyan agad nila kami ng plato at kubyertos para makakain na din.

"I slept with Hannah." naibagsak ko ang kutsara sa sagot ni Adam. Lahat sila ay nagpapabalik-balik ng tingin sa aming dalawa ngayon.

"Fvck, really? Seryoso 'yan?." gulat na tanong ni Daryl.

"Will you say that again,Kuya Adam?." tanong ulit ni Cheska.

"I.slept.with.my.girlfriend,Cheska. What's wrong with that?." naiirita nang sagot ni Adam. Hindi ba nya nararamdaman na iba ang dating ng sagot nya?

"Oh my god, you didn't." mataas na ang tono ng kanyang kapatid.

"Wow,bro. Too straightforward." ani Elie.

"Uhm,natulog lang kami. That's it. Walang nangyari or what." sagot ko agad. Parang nabunutan ng tinik si Cheska at nagpatuloy sa pagkain. Ganon din ang ginawa ng iba.

Mabuti nalang at iniba ni Sean ang usapan at pinag-usapan ang nalalapit na birthday ng mga anak nila ni Yannie.

Sabay-sabay kaming umalis ng Tagaytay pabalik ng Manila. Tapos na ang tanghalian ng umalis kami kaya magha-hapon na din ng makaluwas kami.

Nagpa-diretso ako kay Adam sa opisina dahil bigla akong pinatawag ni Boss.

Pagpasok ko ng kanyang opisina ay naabutan ko si Ice. Ngumiti ako at naupo sa kanyang tabi.

"I'm sorry,Hannah, alam kong kakabalik mo lang galing Tagaytay." nanunuya ang boses ni Boss kaya napayuko ako. Ugali talaga nyang mang-asar ng ganito.

"It's okay po. Hindi naman mahaba ang byahe. Ano po bang pag-uusapan?." imbis na sumagot ay iniabot nya sa akin ang isang folder.

"Of course, you know about the merging,right?." tumango ako. Binuksan ko ang folder at bumungad sa akin ang pangalan ng kompanya na makikipag-merge kami. "Hannah,they want my people to be trained. Alam kong alam na alam nyo na ang dapat gawin at pasikot-sikot sa business na ito pero iba pa din ang kalakaran ng mga international company." ani Boss. Binasa kong mabuti ang laman ng folder.

"So you mean,Boss, ipapadala nyo ako para mag-training doon?."

"Exactly,Hannah. I want you to learn every single transacation of that company. I want you to adapt their business environment and culture. Magandang opportunity ito hindi lang para sa akin,pati na 'din sayo." ani Boss. Nakaka-enganyo,lalo na at alam kong bihira ang mga ganito.

"But that will be for two years abroad,Hannah." sagot naman ni Ice. Muli kong binalikan ang papel sa harap ko. Oo nga,dalawang taon na training ito at nakasulat din na bawal ang bumalik nalang basta-basta dito sa Pilipinas.

"Considering na tanggapin ko po ito,paano naman po ang pamilya ko?may sakit ang Papa ko at kailangan ko po ng pera para sa kanila."

"While having your training abroad, you will still receive monthly compensation and benefits. Plus the daily allowance they will give you on that training." hindi ako makapag salita dahil kung tutuusin ay wala na akong dapat alalahanin. Mas madami akong maiipon at mapapambili ng kailangan nila Papa.

"Im giving you that opportunity because I owe and trust you a lot. Alam kong hindi ako magsisisi na kayong dalawa ni Ice ang ipapadala doon. So,please, Hannah, consider this training. That will be next month so I need your decision this coming week."

Hindi ko matago yong saya ko dahil sa mga sinabi ni Boss. Ni minsan,di ko naisip na mabibigyan ako ng ganitong opportunity. Malaking tulong talaga sa akin. I mean,hindi lang dahil sa pera, maganda ito para sa career ko.

"Happy,huh?." sabay kami ni Ice na sumakay ng elevator. Hindi ko talaga matago yong ngiti ko,parang mas maganda pa ito kaysa sa promotion.

"Sobra. Paris is my dream place,Ice. Isa yon sa mga European destinations na nasa bucket list ko."

Natawa ito sa akin. Sumandal sya sa likurang bahagi ng elevator. "Alam ko. Pero, ipagpa-alam mo muna yan kay Tita."

"Papayag 'yon! Imposibleng hindi."

"Ah,well good for you. Pero paano si Adam?." nawala ang ngiti ko. Paano si Adam?


EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon