Twenty Eight

579 22 7
                                    

Mababait ang parents ni Adam. Sa totoo lang,ine-expect ko na hindi nila ako magugustuhan. Na sasabihan nila si Adam na hiwalayan ako. I mean, from a Melody Denise Aguilar to just a Hannah Denise Aguirre?. See the big difference between the two?. Hindi naman sa masyado kong ibinababa ang sarili ko. Sabihin nalang natin na, iba lang talaga ang tingin ko kay Melody. Para kasi syang ideal girl ng lahat.

"Ang sabi ni Adam, high school classmates daw kayo,hija?." tanong ng kanyang Daddy. At tama sya,mas kamukha nga nya ito. Para nga talagang photocopy nya si Adam. No wonder,parang artistahin lahat ng tao dito sa bahay nila.

Nandito na kami ngayon sa mahabang dining area ng kanilang rest house. Pakiramdam ko isang metro ang layo namin sa isa't-isa.

"Yes po,Tito. Scholar po kasi ako 'non. Si Adam po kasi ang president ng student council that time kaya kilala po talaga sya ng lahat."

"Scholar?you mean,you're a daughter of an employee that time?." taas kilay na tanong ni Cheska sa akin. Para bang gulat sa sagot ko. Dati kasi,mga empleyado lang ng school ang pwede mag-apply ng scholarship sa school na 'yon.

"Oo. Janitor ng school ang Papa ko." sagot ko kay Cheska ng nakangiti.

"Oh wow. Janitor. Cool huh." susubo na sana ulit ito ng salad na kinakain nya pero nagsalita ulit. "I bet Kuya doesn't know you that time. 'Di ba,Kuya?" saka ito kumain.

"Kilala ko na s'ya dati pa. She's known for winning couple of Math contests inside the school." sagot ni Adam at saka ngumiti sa akin. I just smiled back at him.

"I guess you're a Math geek,hija. And for the record,Adam got his first line of 7 in that subject. " sagot naman ng kanyang Daddy. Napatingin ako kay Cheska na ngayon ay naka-frown.

I don't know how should I react nor answer. Kanina ko pa ramdam ang coldness nya sa akin. Simula ng ipakilala ako ni Adam sa kanya, sa tingin palang nya,alam ko nang ayaw nya ako.

"By the way,Fenton,your Ninong Gabriel called me. Is it true that you applied for a position in his company?." biglang tanong ng kanyang Mommy. Hindi nila alam na lumipat si Adam?akala ko ba sinabi ng Daddy nya sa kanya na maghanap sya ng ibang trabaho?. Napatingin ako kay Adam na parang hindi apektado sa sinabi sa kanya.

"By this week,my. Yes po, because I want to learn more about construction." tumingim ito sa akin. "And I think my new Boss will be glad to teach me her expertise. Right,baby?." nanlaki ang mga mata ko at napatigil sa pagkain. What the hell is he saying?!

"Ano,Kuya?you will be working under her supervision?." gulat din na tanong ni Cheska.

"Yep. We will be working closely together. One on one. Just the two of us inside her office. And I can't wait for that,Cheska." gusto ko syang pisilin ngayon sa kanyang tagiliran. Baka mas mapula pa ako sa kinakain kong red velvet cake ngayon.

Tinignan ko ang mga mukha ng parents nya, natatawa lang sila sa sinabi ni Adam. Samantalang si Cheska? Nakatingin ng masama sa Kuya nya.

Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Adam na inisin ang kapatid nya. Dahil sa tingin nito ngayon,parang mabubugbog na sya nito.

Pagtapos naming kumain ay inikot ako ni Adam sa rest house. Umakyat agad si Cheska sa kanyang kwarto samantalang ang parents naman nya ang nanatili sa sala.

Lumabas kami ni Adam ng bahay.Sariwa ang hangin at tahimik ang paligid nito. Ang sarap mag-stay dito siguro kapag stressed ka at madaming isipin sa Maynila. Parang wala kang po-problemahin at i-enjoy mo lang ang ganda ng lugar.

"Oo nga pala, pasensya ka na kay Cheska kanina. I think she's still mad at me for keeping something to her again." papasok na ulit kami ngayon sa loob ng bahay ng magsalita si Adam tungkol dito.

"Ayos lang. Pero hindi ko in-expect na magiging ganon sya. Nakakatakot at intimidating." natawa ito sa sinabi ko.

"My sister is nice,believe me. She just...she loves and cares so much about me. Especially after what happened to me and Melody. And I can't blame her for that. Sorry. "

I understand now. Siguro kung may Kuya din akong katulad ni Adam, papadaanin ko muna lahat ng babaeng magugustuhan nya. This guy here deserves the best. And I don't know if I'm even close to being good for him.

"Tired?." tanong nya sa akin ng paakyat kami sa second floor ng kanilang bahay.

Tumingin ako sa paa ko at ganon din sya. "Uhm ano kasi. Masakit na ang paa ko sa heels?.hehe." kanina pa talaga ito sumasakit. Hindi ko lang masabi dahil sya ang bumili nito. Nakakahiya.

"Sht. Sorry. Masikip ba yung nabili ko?." agad syang yumuko para i-check ang paa ko.

"Hindi. Hindi naman,hindi lang ako sanay magsuot ng ganito ng matagal."
Tumingin sya sa'kin at hinawakan ako sa kamay. "Come. Let's go to my room." hinila nya ako papunta sa kaliwang bahagi ng bahay nila at pumasok sa unang pintuan nito.

Katulad ng ine-expect ko,malinis at simple lang disenyo ng kanyang kwarto. Pero mas gusto ko ito dahil itim at puti lang ang kulay ng lahat. Mula sa mga furnitures,kama at mga paintings, itim at puti lang ang kulay.

"Mini library,huh?." tumawa sya ng ituro ko ang malaki nyang book shelf. Iba't-ibang libro ang nandito. Nasa tatlong pulgada ang haba nito at tatlong pulgada ang taas. Katabi nito sa sulok ang isang mahabang black couch na nasa tabi ng bintana.

Pinaupo nya ako sa gilid ng kama at naupo sa harap ko.

"Anong ginagawa mo?." hinawakan nya ang kanang paa ko at tinanggal ang sandal na suot ko.

Tumingin sya sa akin at saka ngumiti. Ipinatong nya ang aking paa sa kanyang binti at sinimulan itong imasahe.

"Sorry. I should've let you wear something comfortable." hinilot nya ang talampakan ko. "Sorry,baby." hindi ko alam kung paano ko itatago yung kilig ko ngayon. Para akong bata na ngiting-ngiti habang pinapanuod syang minamasahe ng mabuti ang paa ko. Ni hindi sya tumitingin sa akin,nakatutok sya doon at parang alam na alam ang ginagawa nya.

"Actually, gusto ko lang talaga na i-masahe mo ko ng ganyan." biro ko sa kanya. Sunod nyang tinanggal ang nasa kaliwang paa ko na sandal.

Umangat ang kanyang ulo at saka ngumiti sa akin. "Bad girl. You're taking advantage of me." natawa ako sa sagot nya. Nakakainis, minsan talaga kahit simpleng salita lang nya,kahit wala namang nakakakilig, tuwang-tuwa ako. Sya pa din talaga yung Adam na crush ko noong High school.

Matapos nyang i-masahe ang paa ko ay naupo sya sa tabi ko at kinuha naman ang kamay ko para i-masahe din ito.

"Hindi mo naman na kailangan pati yan i-masahe."natatawa kong sabi. He is acting weird. Ginagawa nya ito ng nakangiti. At nakakainis ang ngiti na yon dahil ang sarap nyang kurutin.

"Nope. I'll be glad to give you a whole body massage for today,Ma'am. Thank you for being you. My parents loved you." ayan nanaman yang loved. Buti pa ang parents nya.

"No thanks for the whole body massage. Ayos na ako sa kamay ay paa." tumigil ako saglit."Uhm, pero paano kung di nila ako nagustuhan?." tanong ko sa kanya ng nakangiti.

Bigla nyang binitawan ang kamay ko at inilapit pa lalo ang kanyang mukha sa akin. Hinawakan nya ang bewang ko. I tried to push him away pero sadyang malakas sya sa akin. Seryoso ang tingin nya sa akin.

"I'll be sticking with you like this always. No matter what other people will say, I'll stick with you like a glue." he tightened his grip on my waist,pulling me closer to him. "I'm crazy like that,baby." he whispered,giving me goosebumps. Then suddenly kissed my earlobe.

"Next time,make sure to lock your door,Kuya. Uso kasi 'yon." biglang nagsalita si Cheska bago isara ng malakas ang pinto ng kanyang Kuya. Pareho lang kaming natawa ni Adam.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon