Nineteen

721 29 6
                                    

"Hannah,uy..." patuloy sya sa pagtawag sa pangalan ko habang nagmamaneho. Kapag kami talaga nabangga sa ginagawa nya, I swear, makakalimutan kong sya si Adam Fenton Mercado!

Nakatingin lang ako sa labas habang sya ay abala sa pagmamaneho. Ni hindi ko alam kung bakit ba ako nagpa-hila sa kanya pasakay dito sa sasakyan samantalang kanina pa mainit ang ulo ko!.

"She's just a friend,believe me. Monique is a close friend." Oh I can see how close you guys are! Magkadikit na magkadikit ang mga katawan nyo kanina habang nakapila sa counter! Nakahawak pa sya sa braso mo na para kang batang mawawala pag bumitaw sya! Kakagigil! Kahit kami nga ni Ice na mag bestfriend,never naging ganon kalapit sa isa't-isa. Tapos sila?ano?at wag na wag nyang sasabihin na dahil pareho silang galing sa mga liberated na bansa kaya ganon! That's not reasonable!

"Hannah...baby." napatingin ako sa kanya ng seryoso dahil sa sinabi nya. Lumiwanag ang ekspresyon nya ng lumingon ako.

"I am not your baby,Mr.Mercado." nakataas ang aking kilay habang nakatingin sa kanya.

Tumawa sya. "Damn,you are cute,Hannah." ginalaw nya ang steering wheel at tumingin sa side mirror bago muling magsalita. "But you are my baby." he is freakin' smiling!

"I am not your baby. I am nobodys baby. And I am not a baby anymore!!." matigas kong sabi. Hindi sya tumigil, tinawanan lang nya ang sinabi ko.

Naiinis ako sa aking sarili! Imbis na mas lalong magalit sa kanya ay napapalitan yon ng pagka-mangha! Yung pagtawa nya, nakakahawa. Yung simpleng itsura nya habang nagmamaneho ay ang sarap panuorin. Kahit ang perpekto nyang jaw line ay ikinatutuwa ng mga insekto ko sa tyan. Bwisit!

"So that's how you act when you are jealous. Hmm,now I'm more attracted." tinignan ko lang sya ng masama at hindi na muling magsalita. Namumula nanaman ang mga pisngi ko ngayon malamang.Hindi ako mananalo kung ganitong lalaki ang kausap ko. Tinatraydor ako ng nararamdaman ko sa kanya.

Tumigil kami sa isang building. Hindi ko alam kung saan ito o bakit nandito kami ngayon. Lagot nanaman ako kay Boss kapag nalaman nyang umalis ako ng hindi nagpapa-alam.

Hindi ko na sya hinintay na buksan ang pintuan para sa akin. Nauna akong bumaba at tinignan ang signage sa harap ng building kung nasaan kami.

"I'll teach you something different. You need this if you caught me cheating on you,baby." hahawakan nya na ang kamay ko pero lumayo ako. At utang na loob,nginingitian lang nya ang inis ko! Bakit ka ganyan,Adam!!!

"Gago!." and I heard him laugh so sexy again!

"I like you more now,Hannah." tumingin sya ng seryoso at inayos ang kwelyo ng kanyang suot na long sleeves polo bago tuluyang pumasok sa loob ng building.

Iba-ibang uri ng baril ang bumungad sa akin pagpasok sa loob. Yes,I think he'll teach me how to fire a gun. Sa loob-loob ko ay natuwa ako, gusto ko din kasi talaga itong ma-try. Wala lang akong taong nakikilala na interesado sa ganitong bagay. Well,except Adam now.

Lumapit ako sa kanya habang tinitignan nya ang iba't-ibang uri ng rifle.

"Kailan ka nahilig sa ganito?."

"Since I was 17? My grandfather is a military officer in London." matipid nyang sagot. Napangiti ako ng palihim. Goodness,Adam,you are too good to be true.

May mga iilan syang tao na kinausap bago kami pumunta sa mismong shooting range.

"You have to put an ear protection,Hannah." natawa sya ng makita akong ang suot lang ay yong para sa mata at bullet proof vest. Malay ko bang talagang nagsusuot talaga sila ng parang headset.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon