Seventeen

863 28 29
                                    

"Hijo,sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?." tanong pa ulit ni Mama kay Adam. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa na para bang ine eksamina ang aking itsura. "Liligawan mo talaga si Hannah?."

"Ma,ano ba yan?." napahawak ako sa magkabila kong pisngi dahil sa kahihiyan. Pangatlong tanong na nya ito kay Adam simula ng nagpa alam ito na manliligaw sa akin.

Hindi halos makapaniwala si Mama. May naipinom daw ba ako kay Adam na gayuma at nandito ito ngayon. Nakakainis, ganon ba kahirap paniwalaan ito?sa bagay,kahit ako pala nahihirapan pa tanggapin na nangyayari ito lahat.

"Ate,bunga ba 'to ng pagme-make up ko sayo nong nakaraan? O baka nanghi-hypnotize ka na ngayon?." bulong ni Hazel sa akin.

Kinurot ko ng mahina ang kanyang tagiliran. "Tumigil ka dyan." tumawa ito ng mahina.psh.

Ngumiti lang si Adam kay Mana at saka muling bumaling sa akin. Sa tuwing titignan nya ako ng ganito,para akong lulubog sa kinatatayuan ko. Nakakapanghina yung malalim nyang tingin.

"Seryoso po ako kay Hannah. Hindi po ako pupunta dito kung mangga-gago lang ako." overused na sa aming dalawa ang 'gago'. Inaasar na nya ako minsan at pabiro nang sinasabi na gago sya.

Nagtinginan si Hazel at si Mama. Parang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila.

"Pwede bang kausapin ko muna saglit ang anak ko,Adam?." tumayo si Mama sa kanyang pagkaka-upo at kinuha ang aking kamay. Nang tumango si Adam ay agad akong hinila ni Mama papalabas ng kwarto ni Papa. Wala sya ngayon dito dahil may ginawang tests sa kanya.

"Anong nangyayari,Hannah?nong nakaraan lang sinasabi mo na nag-iba yang Adam na gusto mo?Bakit ngayon nanliligaw na?." nagulat ako ng bigla akong pingutin ni Mama. "Ikaw bata ka,gumamit ka ba ng kung ano dyan kay Adam?."

"Aray,Ma naman. Aray!." bumitaw ito sa tainga ko. Ang sakit! Para akong bata dito,pinagtitinginan ako ng mga nurse. "Wala po akong ginagawa don. Hindi ko din naman expected na gagawin nya yan,Ma. Alam mo namang sa panaginip ko lang nangyayari to. Akala ko nga kanina nananaginip ako. Piningot mo na ako,kaya ayan,gising na diwa ko." hinawakan ko ang aking tainga na ngayon ay sumasakit at malamang ay namumula.

Tinignan ako ni Mama. Hindi ko alam kung anong iniisip nya pero natatakot ako. Malay ko ba kung bigla nalang nya akong hampasin ng upuan dito.

"Papayag ka ba?." seryoso nitong tanong.

"Po?."

"Wag kang magbingi-bingihan bata ka. Papayag ka bang magpaligaw?." tumaas na ng kaunti ang tono ni Mama kaya natakot na ako.

"Hindi....ko po alam. Sa inyo nagpapa-alam,hindi naman sa akin." hindi ko lang masabi na kahit tumanggi man akong magpaligaw ay wala syang balak itigil ito. Ganda mo, Hannah,may balak ka pang tumanggi kay Adam?.

Saglit akong tinignan pa ulit nito at saka naupo sa upuan. Sumunod ako sa kanya at naupo din sa kanyang tabi.

"Sa totoo lang Hannah,mas gusto ko pa si Ice para sa'yo. Mas nakikita ko pang seryoso 'yong bata na yon kaysa dyan sa Adam na gusto mo." naaalala ko 'nong nagpunta si Ice sa bahay para daw sabihin na kukunin na nya ang kamay ko sa mga magulang ko. Maayos pa noon ang kondisyon ni Papa kaya sinabi nyang payag sya. Madali ding napa-oo noon si Mama dahil sa panlalambing ni Ice.

Tumawa ako. "Ma,naman. Alam mo namang babaero yong si Ice. "

"Babaero pero nakita ko sa kanyang kaya ka nyang seryosohin,anak. Tingin palang nya sayo,alam kong seryoso sa'yo yung tao. Manhid ka lang. " umirap ito ng kaunti sa akin. "Ikaw ang bahala. Papayag ako kung yan ang gusto mo. Pero kapag nasaktan ka dyan,sinasabi ko sa'yo Hannah Denise,walang pangalawang pagkakataon ah. Kasi ang lalaki,pag nagawa ka na nyang saktan ng isang beses,hindi malabong ulitin lang ulit yon." inakap ko si Mama. Nakakatuwa kasi alam nya ang pakiramdam ko. Kagaya nya,takot din ako. Takot ako sa pwedeng mangyari at kalabasan. Pero ngayon pa ba?ngayon pa ba na may naibigay na ako kay Adam?.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon