Eleven

970 24 20
                                    

WARNING:

LET'S BE MATURED THIS TIME,GUYS?:)

***

Nagpatulong ako kay Neil na iakyat si Adam sa kanyang kwarto. Pagkatapos nyang bumagsak sa balikat ko,akala ko talaga ay kung ano na ang nangyari sa kanya. Dahil lang pala sa sobrang pag-inom ng alak.

"Nasan ang susi nya?." tanong ni Neil. Wala sa sarili kong kinapkap ang dalawang bulsa ni Adam para hanapin yon. Mula garden hanggang dito sa third floor ay pinagtutulungan namin syang buhatin kaya napapagod na din ako.

Nang sa wakas ay mahanap ko na ang susi ay mabilis kaming pumasok ng kwarto at inihiga si Adam sa kama.

"Mahirap pala yan malasing,Engr." hinihingal pa na sabi ni Neil. Pinagpag nito ang kanyang braso bago naglakad papunta sa pintuan."Oh pano,mauna na ako ah?.Tanggalin mo nalang yung sapatos nya tapos kumutan mo at lumabas ka na ng kwarto." at saka sya umalis.

Naupo ako sa gilid ng kama ni Adam. Tinignan ko ang kanyang payapang mukha. Napangiti ako ng mapait.

Biglang bumalik sa akin ang ginawa nya kanina sa loob ng kubo. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa aking sarili. He goddamn took my first kiss in just one swift move!

"You taste so sweet,Hannah."

para akong matutunaw kapag naalala kong sinabi nya yon. Nasarapan kaya sya sa paghalik sa akin?Ganon ba kalambot ang labi ko at napangiti ko sya at nasabi nya yon?Ahh! Mababaliw na ako. Hindi ko alam na ganito ang epekto ng halik nya.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa kanya. Namumula ang mukha niya at dibdib kaya binuksan ko ang dalawang butones ng kanyang polo shirt para hindi sya mainitan.

Pumunta ako sa comfort room,kumuha ng basang bimpo at panibagong shirt sa kanyang closet para bihisan sya. Kailangan ko itong gawin para mas makapag pahinga sya ng maayos.

Pagbalik ko sa kanyang kama ay nakadapa na ang kanyang pwesto. Ang likot kumilos!

"Adam,bibihisan lang kita. Walang halong malisya ito ah?." bulong ko sa kanya. Una kong tinanggal na muna ang kanyang sapatos at saka sya pinilit para muling tumihaya.

"Ito na,Hannah. Ikalma mo sarili mo. Hooo " sabi ko sa aking sarili bago tuluyang tanggalin ang kanyang suot na polo shirt.

Hindi ko pa din maiwasan mamangha sa katawan nya. Masyadong....masyadong perpekto ang bawat kurba nito. Dumagdag pa ang makinis at maputi nyang kutis. Wala sa oras akong napalunok ng laway.ugh!

Kinuha ko ang bimpo na nasa isang basin na may lamang malamig na tubig. Sinimulan kong ipunas iyon sa kanyang kamay paakyat sa braso at dibdib.

"Uhhhh." nanlaki ang mata ko ng marinig ang kanyang pag-ungol. Napabitaw ako bigla sa braso nya at nag-init ang mga pisngi ko.

Maya maya ay unti-unting dumilat ang kanyang mga mata. Dinatnan ako ng takot,baka kung ano ang isipin nyang ginagawa ko sa kanya!!!

Hindi pa nya mabuksan ng maayos ang kanyang mga mata. Hindi ako nagsalita at tinignan lang sya. Hinawakan nya ang pagitan ng kanyang mga mata at muling tumingin sa akin.

"Ano...pinupunasan lang kita.." nanliliit ang boses ko. Ibinalik ko na ang bimpo sa basin. "Aalis na ako,p-pahinga ka na ha?." bago pa ako tuluyang makatayo ay hinila na nya ang aking braso. Dahilan para mapahiga ako sa kanyang tabi.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Panay ang paglunok ko ng laway habang nakatingin sa kanya. Habang nag-aabang kung ano ang sunod nyang gagawin. Umalis ka na d'yan,Hannah. Bago pa mahuli ang lahat.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon