Twenty Seven

519 22 18
                                    

Nagising ako ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking telepono. Napatingin ako sa orasan na nasa side table ni Adam. Halos alas-2 na ng madaling araw.

"Hannah Denise." I immediately recognized his voice. Tinanggal ko ang pagkaka-akap sa akin ni Adam at naupo.

"Ice?.May problema ba?bakit ka napatawag?."

"Why are you with him?." nakainom sya. Halata sa pagsasalita nyang madami na syang nainom. Parang kinakain na nya ang bawat salita nya."Dati,ayaw na ayaw mong may kasamang lalaki kapag may overnight. Bakit ngayon,pumayag ka na sya ang kasama mo?What's so special about him?." he laughed bitterly. I think he is not aware that he dialed my number?or not..

"Are you drunk?. Nasaan ka?." nasaan nanaman kaya itong taong 'to. Naglalasing nanaman.tsk

"Answer me,why are you with him?." mahina ang boses nya na parang bata.

"Masama ang pakiramdam nya kanina. Kailangan ko syang samahan." agad kong sagot.

"Masama ang pakiramdam?Hindi ba sya makatayo?nanghihina ba sya para kailangan mo pang matulog dyan?." I suddenly felt irritated with his words. I know,nasaktan ko sya pero wala naman ata syang karapatan na tanungin ako ng ganito. Magkaibigan lang kami.

"Ice,matulog ka na. Lasing ka lang."

"What made you think he is damn serious with you,Hannah? Anong ginawa nya para masabi mong seryoso sya?Kasi kung ako ang tatanungin mo, nararamdaman kong may tinatago sya sa'yo. Lalaki ako,kaya nararamdaman ko yon."

"Well,sorry to tell you but I am not insterested with what you think about him." napahinga ako ng malalim,pinipigil ang galit na tono ng aking boses. "Ito nanaman tayo,Ice 'e. Ito nanaman tayo sa issue na ito. Akala ko ba okay na?."

"Kasi ptangina,bakit lahat ng sabihin nya payag ka?. Hindi ka naman ganyan!." tumaas na ang kanyang boses.

"I love him,that's why. At kung ipipilit mong may tinatago sya sa akin, ako na ang nagsasabi sayo,may tiwala ako sa kanya na wala syang hindi sinasabi sa akin." pinatay ko agad ang phone at ibinalik yon sa ilalim ng unan.

Napatingin ako kay Adam na mahimbing na natutulog. Bakit ba duda sila sayo?Kahit sa sarili ko,alam kong may parte na natatakot na baka may tinatago ka nga. Pero pinipilit kong kumbinsihin ang parte na yon na hinding-hindi ka magsisinungaling.

"Baby.." pabulong nyang sabi pero nakapikit pa din ang mga mata. Umakap sya sa bewang ko at isiniksik ang sarili nya sa akin.

Napangiti lang ako at muli nang nahiga sa tabi nya para matulog. Pilit kinalimutan yung mga bagay na sinabi ni Ice sa akin. Im too inlove with him to think about the heartache I might get from this.

***

Isang puting off-shoulder dress ang ipinasuot sa akin ni Adam. Binili nya daw ito talaga para sa akin. Hindi ko alam kung bakit mas nakadagdag ng kaba ko ang pagsusuot ng ganitong damit. Pakiramdam ko kasi requirement ito para matanggap ako ng pamilya nya.

"Just be yourself. Im sure my parents will love you." napangiti ako ng sabihin nya yon. On the way na kami papunta sa kanilang rest house sa Tagaytay. Ang sabi nya,nandon ang parents nya para magbakasyon. Hindi din nila alam na pupunta kami kaya sorpresa din ito.

Nagulat ako ng pumasok kami sa isang exclusive na subdivision. Kung hindi ako nagkakamali,talagang mayayaman lang ang nakakabili ng bahay dito. Mahal ang lupa at sadyang maganda ang lugar na ito. Nawala ata sa isip kong mayaman pala sila Adam.

"Pwede akong magtanong?."

"Shoot."

"Ilang babae na ang napakilala mo sa mga magulang mo?." I'm curious. 'Nong High School kami,walang na-issue sa kanya na babae. May mga nagkakagusto,oo. Pero yung exclusive girlfriend talaga?wala talaga.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon