Twenty One

671 29 24
                                    

Katanghalian kanina ng makatanggap ako ng isang text mula kay Melody. Hindi ko alam kung saan nya nakuha ang number ko pero nagulat ako ng ayain nya ako para mag-dinner. Wedding anniversary daw ng mga kaibigan nya. At dahil nagpa-alam na daw sya kay Adam na ipapakilala ako sa iba nilang mga kaibigan ay agad nya akong kinontact.

"Ice, kinakabahan ako." nakatingin ako sa labas at tinatanaw ang loob ng restaurant na sinabi sa akin.

Hindi ako mapakali, hindi ko alam ang gagawin ko. Mas magiging komportable siguro kung kasama ko si Adam,kahit papano may makakausap ako. Lalo na at hindi pa naman kami. Wait,erase that 'pa'. ugh!

"Ginawa mo akong driver papunta dito tapos hindi ka pupunta?tsk." he smirked. "Or you really just want some quality time with me,Hannah?." asar nito.

"Asa ka,Ice. Asa!." Pinalo ko ang kamay nya na nasa steering wheel. Hindi nakakatulong!!!

"Ouch. Wag naman straigh-forward. Di porke nag-give way ako,magiging ganyan ka na." tumigil ako dahil alam kong kahit nagbibiruan kami,seryoso ang sinabi nya.

Tinignan ko ang aking phone,mula pa kaninang umaga ay hindi kami nag-uusap ni Adam. Hindi nya ako tinatawagan, kaya mas kinakabahan ako. Kung alam naman pala nya na makakasama ko ngayong gabi ang mga kaibigan nya, hindi man lang nya ako kamustahin!.

Tumunog ang aking cellphone, tumatawag na si Melody. Tumawa lalo si Ice dahil nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa screen ng phone.

"Hi ,Hannah! Where are you?." pambungad ni Melody.

"On the way na.I mean, malapit na pala." sumenyas na ako kay Ice na bababa na ako at nag-thank you. "Uhm, andyan na ba kayong lahat?." naglakad ako papalapit sa entrance ng restaurant.

"Yup. And they're all excited to meet you! Wait, is that you in a peach dress?."

"Yes. Nasaan kayo banda?." pumasok ako sa loob. Nakita ko agad si Melody na papalapit sa akin.

Palagi ata akong mai-intimidate sa ganda nya. Nakasuot sya ng black off-shoulder dress at silver-colored heels. May simpleng pin lang ang buhok nya sa gilid, pero nakadagdag yon lalo ng ganda nya .

"Hannah! Good to see you again." Inakap nya ako at nakipag-beso sa akin. "You look great!." Napayuko ako dahil sa pagpuri nya sa akin. Nahihiya ako tumabi sa kanya sa hindi ko malamang dahilan.

Hinawakan nya ang braso ko. "Let's go?." Umakyat kami sa second floor nitong restaurant at pumasok sa isang room. Malamang ay nirentahan nila ang isang function room dito.

Isang malaki at pahabang table ang bumungad sa amin pagpasok sa loob. Mayroon na itong mga pagkain na nakahanda. Iilang lobo din ang nakalutang sa ceiling at 'Happy Anniversary Sean and Yannie' na mga lobo ang nakadikit sa dingding.

"Guys!! Nandito na kami.!" lumapit kami ni Melody sa isang couch na nasa gilid nitong function room kung nasaan ang mga kaibigan nya. Mas lalo akong kinabahan ng makita ko silang lahat.

Nanliliit ako ngayon, nakaka-intimidate sila lahat kasama. Para bang dapat, lahat ng sasabihin ko ay tama. Hindi ako sanay sa mga ganitong party,lalo na at puro mayayaman ang mga nandito.

Lumapit sa akin ang isang babae na may buhat na bata. Sa tingin ko ay ilang months palang ang baby kaya nagtataka ako kung bakit ang babaeng may buhat sa kanya ay maganda pa din ang katawan.

"Hello, Hannah! My name is Kairie." nakipag-beso din sya sa akin. At kagaya ni Melody,mukha din syang modelo. "And this is my Kylie Rae." hinawakan ko ang kamay ng kanyang anak at ngumiti ito. Nakakatuwa, ang cute cute nya ngumiti.

"Yung lalaking nandon sa mga drinks at naka-tuxedo ay si Elie. 'Sya ang asawa ni Kairie." napatingin ako sa lalaking may hawak ng bote ng champagne. Napatingin ako ulit sa baby na hawak ni Kairie.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon