Twenty Four

750 26 10
                                    

"Ano,Hannah?Kayo na agad?." natakot ako sa tono ng boses ni Mama. Nandito kami ngayon sa entrance ng ospital. Ihahatid nya sana ako bago makapunta ng office pero mukhang mai-interogate pa ako.

Tumango lang ako sa kanya at tumingin sa malayo. Nakakatakot si Mama kapag ganitong tumaas na ang tono nya. Masakit pa naman ang sikmura ko ngayon,para akong nasusuka na hindi ko maintindihan.

"Sinabi ko sayo na kilalanin mo muna 'di ba?."

"Wala po kayong sinabi. Sabi nyo lang bahala po ako." mahina kong sagot.

"Aba't! Itong batang 'to!." akmang papapaluin na ako ni Mama sa braso pero lumayo ako. "Bakit ang bilis bilis mo,um-oo?"

"Hindi naman sa mabilis,Ma. Nag-ano lang..

"Anong nag-ano?! Nag-ano yan,Hannah?." pinagtinginan na kami ng mga tao dahil sa taas ng boses ni Mama. Nataranta ako at hinila sya sa gilid. Mali talagang dito ako sa ospital nagsabi e.

"Ma,hindi ganun. Walang ano, walang nag---nag-ano." hirap na hirap ako ilabas sa bibig ko yung dapat kong sabihin dahil sa kaba. Baka mas masuka ako nito! Hindi ko ma-construct ng maayos yung mga words.

"Ikaw,Hannah Denise, unang beses mo palang yan pero bumigay ka na agad." saglit syang tumahimik at nagbuntong-hininga,parang nag-iisip. "Malaki ka na. Alam mo na 'yang ginagawa mo. Pero ipakilala mo sa Papa mo yang boyfriend mo." ngumiti lang ako at inakap si Mama ng maramdaman kong bumaba na ang blood pressure nya mula sa inis sa akin.

Ganito naman sya,magagalit lang sa una pero saglit lang,kakalma na din. Mas nakakatakot magalit si Papa dahil tingin palang nun,parang ma-mu murder ka na.

"Thank you,Mama. Dadalhin ko po sya dito o kaya sa bahay."

"Wag dito. Sa bahay mo dalhin at nakakahiya kapag dito." napangiti ako,malamang sa malamang ay gusto nyang ipagluto si Adam. "Uminom ko ng gamot bago ka pumasok sa opisina." paalala nito bago ako kumalas sa akap sa kanya.Nagpa-alam na ako sa kanya dahil mukhang traffic nanaman.

Umalis agad ako sa ospital at nag drive papunta sa office. Kahapon lang naging official kami ni Adam. At gusto kong malaman 'yon ni Mama. Kaya nga kahit hindi maganda ang pakiramdam ko ay pinilit kong pumasok ngayon. Sumuka ako kaninang umaga,at hindi ko alam kung dahil sa stress yon o may nakain ako kagabing hindi tanggap ng tyan ko.

Dumating ako sa office ng sakto sa oras. Pero pagpasok ko sa department namin ay naabutan kong nagku-kumpul-kumpulan ang mga staff ko sa isang sulok.

"Hala! Hala,Ate Eunice,babae! Babae magiging anak mo!." boses yon ni Joleen,ang isa sa mga bagong hire dito sa department.

Lumapit ako sa kanila. Hindi siguro nila napansin kaya nagpatuloy lang sila sa ginagawa nila.

"Dyusko,Joleen. Sana tama 'yan! Nakukunsumi na ako sa lalaki kong anak." sagot ni Ate Eunice. Sa alam ko ay 6 months pregnant na sya.

Sumilip ako sa ginagawa ni Joleen. May hawak syang lapis. Sa pambura ng lapis ay may nakatusok na karayom na may mahabang sinulid.

"Ang galing nga Ate e. Pati yung akin,na-detect kung ano yung gender ng panganay ko. Tapos yung susunod,babae naman daw! Naku,makapag file nga ng s*x leave bukas." sagot naman ni Ate Faye,isa din sa staff ko. Nagtawanan sila kaya di ko na napigilan magtanong.

"Ano 'yan?." curious kong tanong. Nagsi-ayos sila ng mga upo at bumalik sa pwesto. Hindi naman pagalit ang pagkakasabi ko ah. "Guys,ano yun?curious lang ako."

Tumingin sa akin si Kel,isa sa mga Engineers.."Ma'am,good morning. Nagpapa-ultra sound si Ate Faye kay Joleen."

"Huh?ultrasound tapos dito sa office?."

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon