Eight

874 22 9
                                    

It was a 45-minute flight from Manila to Ilocos Norte. Gusto ko sanang sumakay ng bus dahil mas maganda ito kumpara sa eroplano.Maganda ang mga tanawin na madadaanan kapag nakasakay doon.Kumpara sa eroplano na puro ulap lang ang nakikita mula sa itaas.

Hinintay namin na maibaba ng eroplano ang lugaggae ni Adam. Kanina ko pa sya tinitignan mabuti. Masaya ako na nandito sya, na makakasama ko sya ng mahabang panahon.Wala siyang ideya kung gaano ko katagal hinintay ang ganitong pagkakataon. Lord, wag kang mag-alala, araw-araw na po akong magdadasal. Promise.

"Do you want me to carry your bagpack?." tumingin sya sa akin ng makuha nya agad ang kanyang luggage. Adam and his gentleman side,huh?.

Umiling ako upang tumanggi dahil sanay naman ako sa madaming dala. Nang marinig niya ang sagot ko ay nauna nanaman syang maglakad. Napasimangot ako agad,mainit pa din talaga ang ulo nya.

Mula nang maka-alis kami ng airport sa Manila ay ganito na ang kanyang mood. Tatanungin nya ako tapos parang wala lang. Iiwan nalang ako ng basta na parang walang kasama. Gusto ko sanang mainis dahil sa inaasal nya sa aki pero kapag naiisip ko ang nangyari kanina ay wala akong magawa kung hindi intindihin yon.

Kita ko kanina sa mata nya ang pangingilid ng luha. Sa pagkuyom palang ng mga kamay nya, alam ko na pinipigilan lang nya ang sarili niya. Wala siyang magawa kung hindi tumingin nalang malayo...hanggang tingin lang. 

Alam ko ang pakiramdam mo, Adam. Kasi ganyan din ako sayo noon. Hanggang tingin sa malayuan...kaya ayon, nasasaktan din ng malayuan. Walang gumawa kundi maging masaya nalang para sayo. Kasi mas tanggap ko na ako yung masaktan kaysa ikaw.

Paglabas namin ng airport ay may naghihintay na agad sa amin na sundo. 

"Engr.H!. Long time no see po." nakipag fist bump sa akin si Neil na isa sa area manager dito sa Ilocos. Bago siya napunta dito ay naging Engineer namin sya doon sa main office.

Tumingin sa akin si Adam na para bang nagtataka kung bakit ganoon ang paraan ng aking pagbati. Im one of the boys,baby. You don't have to be jealous of him. 

"Neil, this is Adam Mercado." pakilala ko kay Adam. Iniabot nya agad ang kanyang kamay kay Neil at nakipag kamay dito. "Sya ang representative ng nakuhang contractor para sa project dito. Mr.Mercado,this is Engr.Neil Lapaz, one of our area managers." ngumiti si Adam kay Neil. 

"Burgis?" natatawang tanong sa akin ni Neil habang nakaturo kay Adam.  

Tumawa ako. "Yes. Kaya alagaan natin mabuti,okay?." Sa pananamit palang kasi ni Adam ay mahahalata na agad ang pagka-mayaman niya,para bang nasa aura na nya 'yon. Pakiramdam ko nga ay kahit pagsuotin ko sya ng maduming damit, magmumukha pa din syang mayaman.

"Ano daw?." tanong ni Adam sa akin. 

"Wala po, ang gwapo mo daw , Mr.Mercado. Sakay na tayo?." aya ko sa kanya. Kumurba ng kaunti ang kanyang labi kaya mas lalo akong natuwa. Sobrang priceless talaga ng ngiti niya, walang tatalo.

Nang makasakay kami sa van ni Neil ay napahilig agad ako ng ulo sa bintana. Antukin ako kaya kahit ganitong maikli ang byahe basta at gabi na ay dinadalaw na ako ng antok.

Naupo sa tabi ko si Adam. Dahilan para magising ang diwa ko at tignan siya. Nagdikit ng kaunti ang mga braso namin, kaya mamula ako ng tuluyan. Ramdam na ramdam ko ang firm nyang braso,na para bang wala syang damit dahil kahit ang pag-flex nito dahil sa simple nyang pag-galaw ay ramdam ko.

Nakapikit agad ang kanyang mga mata ng tumingin ako sa kanyang mukha. Napalunok ako ng laway habang pinagmamasdan ko kung gaano ka-angelic nito. Hindi ko alam kung anong mayroon pa sa kanya dahil kahit sa simpleng pagpapahinga nya ay namamangha na ako. Namamangha ako dahil sa perpektong hugis at features ng kanyang mukha. 

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon