Twenty Nine

547 22 15
                                    

Halos palubog na ang araw ng magpa-alam sa amin ang parents ni Adam. Kailangan na daw nilang bumalik ng Manila para sa dinner kasama ang possible investors ng kanilang kompanya. Hindi sumama sa kanila si Cheska at nanatili sya sa kanyang kwarto. Kapag naalala ko kanina kung anong posisyon nya kami nakita ni Adam ay nahihiya ako. Baka mas lalo syang nainis sa akin.

"Tayo, kailan uuwi?." mahina kong tanong kay Adam ng samahan ko syang ihatid sa pintuan ang kanyang parents.

"We'll stay here until tomorrow,baby." bulong nito sa akin. Napataas ako ng kilay sa sagot n'ya. Dalawang araw na akong hindi umuuwi ng bahay namin!. Ano pa bang gagawin namin mamayang gabi hanggang bukas?

Bumaling sa akin ang Mommy ni Adam at ngumiti. "Again, I'm sorry that we have to go, hija. Sana magkaron ng time na makadalaw ka naman sa bahay sa Manila. Right, Adam?." tumingin ito kay Adam.

Hinapit naman ako ni Adam sa bewang bago sumagot sa kanyang Mommy. "I will, Mom. I will." confident nitong sagot.

"Maybe on my birthday this month end, Alesandra?." tanong naman ng kanyang Daddy. Tumango ang kanyang Mommy bilang pag sang-ayon.

"That would be great, Dad." sagot naman ni Adam. Wala akong ibang nagawa kung hindi ngumiti sa kanila at tumango. Sobrang bait nila sa akin kahit na ngayon lang nila ako nakilala. Dagdag pa na hindi kami gaano nakapag-usap kanina.

Pumarada ang isang itim na Land Cruiser sa harap ng kanilang bahay. Mayroon agad bumaba mula dito para magbukas ng pinto. Nakipag-beso sa akin ang kanyang mga magulang bago tuluyang sumakay at umalis.

"Get ready. Pupunta ang mga kaibigan ko mamaya." agad na sabi sa akin ni Adam ng mawala na sa paningin namin ang Land Cruiser.

"Bakit?Anong mayron?."

"Let's see." pakunwari itong nag-isip. "Hindi pa kita pormal na napapakilala sa kanila na girlfriend ko." ngumiti ito sa akin.

Natawa ako sa kanyang sinabi. Gusto ko ang ideya na 'yon pero hindi ko naisip na may balak syang gawin ito.

"And why are you laughing?." kumunot ang kanyang noo pero nakangiti pa din."I know, I know it's too ancient. Gusto ko pa din na mismo manggaling sa akin. I want them to know that you are officially my girl, Hannah." natigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya. Humalik sya sa aking noo at saka ako iniwan sa pintuan ng may ngiti sa kanyang labi. Na-estatwa ako sa pwesto ko.

Paulit-ulit nag-play sa aking isip ang sinabi nya. Nakakainis ka, Adam. Im all out of words, para bang nananaginip pa din ako ngayon. Coming from his beautiful mouth that I am officially his girl? it's too surreal.

Umakyat ako sa guest room na sinabi sa akin ni Adam kung saan ako magpapalipas ng gabi. Nagsabi na din ako kay Mama na hindi ako ulit makakauwi. At sa pangalawang pagkakataon,wala syang kahit anong tanong sa text ko at nag-reply lang ng 'ok'. Malamang ay nagsabi na si Adam sa kanya kanina. Nag-uusap talaga silang dalawa ng hindi ko alam.

May mga iilang damit ang nasa closet ng kwarto. Bagong bili ang mga ito dahil may mga tag pa. Mukhang ready talaga syang mag-over night ako dito. Pero ang nakakahiya lang ay pati undergarments ay binili nya ako. Paano nya nalaman ang size ko?nakakahiya!

Simpleng shorts at white v-neck shirt lang ang pinili ko. Sabi ni Adam ay magdi-dinner lang naman daw kami at baka mag-night swimming ang iba.

"Hi, Hannah!." salubong ni Kairie sa akin ng makadating sila ni Elie. Nakipag-beso sya sa akin at saka umakap. Tumanaw ako sa likuran niya pero bigo akong makita ang anak nya.

"Are you looking for Kailie?. Hindi namin s'ya sinama." sagot ni Elie sa akin. He got me there. Mahilig kasi talaga ako sa bata kaya nang makita ko ang anak nya at ang triplets nila Yannie ay natuwa ako.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon