CHAPTER 26: Maxine's Savior

1.2K 16 10
                                    

Vhia's POV

"Hinayaan niyo ba silang makatakas?"

"Opo Ms. Vhia.."

"Eh nasundan niyo ba?"

"Syempre po. Nakunan na rin namin sila ng mga litrato gaya ng utos niyo sa amin.." 

Inabot niya sa akin ang isang envelope. Binuksan ko yun at nakita ko yung mga picture. *evil smile* Malinaw ang pagkakakuha dahil kitang-kita yung pagkakayakap ni Maxine. Pati na rin yung ibang mga kuha maganda!

"Perfect! Infairness maganda at malinaw ang mga shots ha.. Pwede na kayong magphotographer! Hahaha! Good job.."

Pag sinuswerte nga naman talaga, nakikiayon sa akin ang panahon! Hahahaha! Malas mo nalang Maxine... *evil smile*

Christian's POV

"Bakit ganun? Parang wala namang ginagawa yung mga pulis!" Tiningnan ko si Roxanne nang magsalita siya. Nandito kami ngayon nila Roxanne, Den, Kevin, at Neon sa Music Room. Iniisip pa rin namin ang biglaang pagkawala ni Maxine.

Panlimang araw na ngayon pero wala pa ring nangyayari sa paghahanap namin. Kung anu-ano na ngang tanong ang pumapasok sa isip ko eh!

Kung nakidnap nga talaga si Maxine, dapat tumawag na sa amin ang mga kidnappers at nanghihingi na ng ransom dahil ilang araw na ang lumipas eh! Pero wala... Wala pang tumatawag sa amin.

Kung hindi naman siya nakidnap, bakit naman siya biglang aalis at hindi magpapakita? Ano namang dahilan para umalis siya? 

H-hindi kaya dahil dun sa sinabi ko na....na hindi ko siya gusto? B-baka dahil dun kaya siya umalis at hindi na nagpakita.

Pero ang babaw naman kung yun ang dahilan! Hindi naman siya aalis nang basta basta dahil lang dun! >_______<

"Teka!" Napalingon naman kaming lahat kay Den nang bigla siyang magsalita. "Di kaya hinahanap niya yung sister niya kaya siya umalis nang walang paalam?"

"Ha?", sabay-sabay na pagrereact naming tatlo nila Kevin at Neon.

"Oo nga noh.. Baka nga! Pero bakit naman hindi siya magpapaalam sa atin?", tanong naman ni Roxanne kay Den.

Teka, ano bang sinasabi nila?

"Sandali nga, ano ba yang sinasabi niyo? Anong sister?", pagtatanong ko kina Roxanne at Den.

"Oo nga pala... Hindi niyo pa nga pala alam yun." - Den

"Ang alin? Ano ba kasi yun? Sabihin mo na kasi ng diretso!" Ano ba yan! Binibitin eh! Ayaw pa kasing sabihin!

"May mission kasi si Maxine kaya siya nagtransfer dito sa WCA. Hinahanap niya yung half sister niya na dito rin nag-aaral. Saka gustung-gusto niyang makita yung Daddy niya. Hindi pa raw kasi niya nakita kahit isang beses.", pag-eexplain ni Den sa amin.

"May ganun pala siyang pinagdadaanan?" - Kevin

"Bakit ngayon niyo lang sinabi sa amin?" - Neon

"Eh kasi sabi ni Maxine ayaw pa raw muna niyang malaman ng iba.." - Roxanne

May hinahanap si Maxine na kapatid? Bakit hindi man lang niya nabanggit sa akin yun kahit isang beses? Dapat sinabi niya sa akin para naman natulungan ko siya sa paghahanap.

Posibleng yun nga ang dahilan. Pero kung iisipin nang mabuti, dapat nagpaalam muna siya sa amin o kahit kina Roxanne na aalis siya para dun.

"Teka lang.. Akala ko ba dito rin nag-aaral yung kapatid niya? Kung ganun, bakit kailangan niya pang umalis?" Nang maisip ko yun, tinanong ko agad sa kanila.

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Where stories live. Discover now