Chapter 20

39 1 0
                                    

Chapter 20

----------------

WE’RE OVER

SOPHIE’S POV

“Here’s the catch – you needed someone na pagpapanggap na bf mo and eventually you found a gay who’s willing to do that for you, and that’s Lex. Unfortunately, Lex is not a gay kaya nagpanggap syang gay para mapalapit sa’yo. Aww… isn’t that sweet?” with a grin, Jess said.

“Lex… totoo ba?” I asked Lex. Ilang beses ko na ring isinumpa yung pagiging gay ni Lex dahil sagabal yun kung sakaling magustuhan ko sya ng tuluyan. But this time, at the back of my mind, I’m wishing na sana hindi totoo lahat ng sinabi ni Jess. Weird. Siguro kasi mas masakit yung malaman mong niloko ka ng isang taong pinagkatiwalaan mo ng sobra.

He didn’t say anything. He just nodded.

I was beginning to break down, so I just walked out – no, I ran. This is so unfair. One time, maiisip ko, nangyayari ba talaga lahat ito? Lahat na yata ng panloloko naranasan ko na.

“Sophie, sandali!” he reached me. I just wish he didn’t. “I’m sorry.” He said.

“Hindi lahat ng bagay nadadaan sa sorry. Let go of me!” Sabi ko.

“Sophie, hindi kita bibitawan hanggat hindi tayo nag-uusap! Hayaan mo naman akong mag-explain, o.”

I told him na wala nang dapat iexplain coz I knew it all. Hindi ko na matandaan kung ano pa yung ibang mga sinabi ko. Ang naaalala ko lang ay isinumbat ko sa kanya lahat ng mga dapat kong isumbat. And then hindi na sya nagsalita. Binitawan na rin nya ang pagkakahawak sa kamay ko. So I guess I’m right. Totoo lahat ng mga sinabi ko kaya hindi na sya nakasagot. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya. Pero magbebreak down nanaman akokaya tumalikod na ako then I walked away from him. At that instance, hindi na nya ako sinundan ulit.

After an hour, he’s calling me. Pati si James tumatawag. Si Finn din. And then si Nick. Bumaha ng texts. So I just turned my phone off.

Hindi ako uminom, pero nahihilo ako. Sobrang puyat. At sobrang kaiisip sa mga nangyari. Parang merry-go-round na umiikot sa isip ko lahat – the first time Lex and I talked, sa bar nung humingi ako ng favor, sa resort, the kiss, yung unang nag-away kami, nung sinusukatan nya ako for the gown, sa sauna, then sa party, si Jess at yung revelations nya, yung mukha ni Lex ng tanungin ko s’ya, tapos maaalala ko uli yung nakita ko si Jess at James na naghahalikan sa bar, the time na niloko nila ako. Paulit-ulit. Until marealize ko, umaga na pala – nagliliwanag na at gising na ang mga manok nila auntie.

*knock*

“Sophie, iha, gising na at kakain na!” malakas pero malambing na tawag ni auntie sa’kin.

Hindi ako sumagot so she knocked again.

“Opo, susunod na po ako…” I just said.

It seems like may military training ang mga tao dito sa province. Kailangan maaga magising at nasa mesa lahat pag oras ng pagkain. Pagka-tilaok ng mga manok, maririnig mo rin ang sound ng mga nagwawalis ng yard nila.

“Hanggang ngayon ba eh namamahay ka parin? Eh ilang beses ka nang pumupunta rito eh, di ka pa nasanay?” tanong ni lola Ising, mother in law ni aunt Yoly ko.

“Hindi naman po. Nasanay lang po siguro sa late na tulog.” I answered.

“Naku nay, ganyan kasi ang mga tao sa Maynila! Umaga tulog, tanghali ang gising! Parang mga call center agent ba.” Si uncle.

IHYBF (I Hate You Best Friend!) [FIN]Where stories live. Discover now