Chapter 18.3

34 1 0
                                    

18.3

LEX’S POV

Hassle.

Magdamag kong pinagbayaran ang kapalpakang nagawa ko sa gown ni Sophie. Mali-mali ang mga sukat na nailista ko kaya hindi nag-fit yun sa kanya.

Result ---> (©.©)

(Kamukha ko na si Kokey sa sobrang laki ng eyebags ko.)

Tsk. Damn! Wala na ‘kong magagawa. Kailangan kong lumabas at ipakita sa mundo ang naghuhumiyaw kong eyebags.

“Neem… si—

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Itatanong ko palang si Sophie, pero andito na pala sya. Natulala ako sa sobrang stunning ng babaeng kaharap ko.

 “Hi, Lex! Antagal mo naman?” sabi nya.

Sorry naman… Sabihin kaya nya yan sa walang pakisamang mata ko?

“Uhh… Sorry. K—kanina ka pa?” hindi ko lang talaga maalis yujng pagka-bulol ko kapag ganyan sya kaattractive.

“Not really… Let’s go?” sabi nya uli.

“Sure. Kotse ko na ang gamitin natin.”

“Sophie, may sasabihin ako.” Nag-open up ako sa kanya nung nasa loob kami ng kotse.

“Ano naman yun?” tanong nya.

“Kahapon ko lang nalaman… kasama pala yung family ko sa party ni Rhiann. Business partners pala ang fathers namin.” Tinawagan ako ni Rhiann kagabi (hindi ko alam kung pano nya nakuha number ko) at tinanong sa’kin kung kaano-ano ko daw ba si Francisco Torres III, at sinabi kong Daddy ko yun. Dun ko nalaman na business partners pala sila ng daddy ni Rhiann.

“Oh really? What a small world! Ayos yun! Diba you said hindi mo pa nakikita ulit ang family mo eversince umalis ka sa inyo?”

“Hmm… Hindi masyadong ayos yun… Hindi kasi kami okay ni Dad. Galit sya sa’kin.”

“Why??”

“For some reason. Mahabang istorya eh. Ayoko nang ikwento.”

“Oh… sorry. So that’s why you’re not at ease kanina pa?”

“Ah, hindi yun yun.” Kaya ako nagkakaganito ay dahil sa’yo… Masyado ka kasing maganda. (-_-)

“Really…? I’m sorry I’ve got you into this, Lex.” Hindi sya naniwala. Oo, iniisip ko rin si Dad. Pero hindi naman masyadong big deal yun sa’kin.

“Lex, if you’re not comfortable with it, pwede namang hindi ka nalang pumunta. It’s okay.” sabi pa nya.

“Ayoko nga! Tapos ano? Pagtutulungan ka nung mga kaibigan mong artificial?”

Tumawa lang sya.

Dumating kami sa party. Tinitignan ko kung nandito na ba sila – family ko.

“Lex, are you okay?” worried na tanong ni Sophie. Siguro napansin nya ang pag-linga-linga ko sa paligid.

“Ha? Ah, oo. Okay lang ako. Don’t worry about me.”

“Hey, you came!” Oops… eto na po ang dakilang artificial friend… Lumapit sya sa’min.

“Happy birthday Rhiann!” bati ni Sophie sa kanya. Binati ko rin sya.

“Thank you… Lex, buti nakarating ka?”

IHYBF (I Hate You Best Friend!) [FIN]Where stories live. Discover now