Chapter 17

39 1 0
                                    

Chapter 17

---------------

DISGUISE VERSION 2.0

“Giiiiiiirl!!! Kumusta ka na? Miss ka na namin!!!” si Neem, sabay beso kay Sophie. Ganon din ang ginawa ko.

Kapansin-pansin na andun parin yung pagkailang ni Sophie sa’kin.

“Wait… Bakit naman super aga nitong gimmick na ‘to? Buti nalang pala na wala akong naka-sched na lakad ngayon…” <Sophie>

“Eh wala lang… Waley din kasi kaming masyadong ginagawa sa shop ngayon eh. So we decided na mag-girl bonding tayo ngayon, diba Lex?”

“Oo nga. Matagal na kasi tayong hindi nakakapag- ‘girl’ bonding… saka may utang ka pa sa’kin na treat dahil dun sa pagpapanggap kong boyfriend mo noh! Hirap kaya nun!” sabi ko. Nakatingin lang si Sophie sa’kin – parang nagtataka. Tapos ngumiti sya (parang uncomfortable na ngiti), na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin.

“Ay, oo nga pala… I almost forgot. Sige, treat ko kayo. Saan tayo?” she said.

Earlier…

“So ganito ang plano natin, Lex…” *blah blah blah, chuva chicka shenelyn chorva*

 Ipinresent sa’kin ni Neem ang ginawa nyang plano na parang nagrereport, kulang nalang ng powerpoint presentation. (Ewan ko lang kung makakatulong ‘to o makakalala.)

First stop: Department Store – Shopping

‘Kelangan ibahin natin ang image mo kay Sophie. Baka nakikita na nya yung guy side mo kaya sya nagduda, so kailangan nating paangatin uli sa kanya yung gay side…’

(unulit ko sa isip ko yung sinabi ni Neem sa’kin)

“Hey, what do you think?” tanong ni Sophie sa’min suot dress na pinili nya.

‘Ipakita mo kay Sophie ang pagiging fashion critic mo pagdating sa girls’ outfit. Unusual sa straight guys ang ganon.’

“Bagay naman sa’yo yung style, pero yung curves na print sa skirt, no-no for your shape.” Sabi ko, following Neem’s advice.

“Ganun? Okay… pipili nalang ako ng iba.”

“Here, try this.” Sabi ko, while handing her a peach Sunday dress. “Bagay sa’yo yung kulay… pwede mo ‘tong suotin kung gusto mong ma-highlight yung upper body mo.”

She was eyeing me in awe. Hanga…

Or nagwo-work out na yung plano? That was a good start.

“You’re so great talaga pagdating sa mga ganito…” she said.

Next stop: Spa

‘After shopping, need magrelax ng girls kaya nagfaflaylalu sa spa. Medyo mahirap ito for you kasi maiilang ka, but kailangan mong gawin itey para maiset mo ang mind nya that you’re a real beki!’

Okay… aaminin ko. Mas madaling mag-gay lingo kesa magpa-spa treatment. Bakit? I know medyo may pagka-vain ako…

{Author: Medyo??? Hindi kaya!}

Okay… VAIN ako.

Pero hinding hindi ako pupunta sa spa para magpapa-facial/foot spa/ wax ng binti kagaya nito! Grabe, namumula na ‘ko sa kahihiyan… Ikaw ba naman pagtinginan ng mga babae/baklang staffs at customers?

IHYBF (I Hate You Best Friend!) [FIN]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα