Chapter 4

55 1 0
                                    

Chapter 4

-------------

KRYPTONITE

Tumunog yung chime sa pinto.

“Hi! Welcome to— ay, friendship!!! Ikaw pala yan!” bati ni Neem sa pumasok na customer.

“Hi, girl! Kumusta na???” si Sophie pala yun.

“Oy, girl! Come here, andito si bff mo, oh!” tawag sa’kin ni Neem. Kaasar ‘tong bading na ‘to. Alam naman n’yang naiirita ‘ko kapag tinatawag akong ganun…

“Hi Sophie!” I greeted.

“Lex…” masaya syang lumapit sa’kin… at niyakap ako ng mahigpit. Sh*t! Anu ba ‘to? “Guess what! May good news ako… Kinontrata ko yung clients ko na kunin yung set ng suits nyo, at pumayag sila!” sabi nya as she let go.

“T-talaga???”

“Yup! At… sabi nila, sa’yo na rin sila magpapa-design ng gowns for the wedding. From bride to flower girls! And…” *may kinuha sa bag* “Tadaaa! May down payment na sila dun sa suits!” *waving the money*

“Sophie!!! You’re so great!!!” <Neem>

“Thanks, Sophie! Galing mo!” Nayakap ko s’ya nang hindi sinadya dahil sa tuwa. I let go nang marealize ko yun. Lumakas ang tibok ng puso ko. I began to tremble.

“Okay ka lang?” <Sophie>

“Oo, okay lang… Na-excite lang ako sa good news mo.”

“Alright! Dahil ako ang nag-refer ng customers sa inyo…” *hinila nya ang tape measure na nakasabit sa leeg ko, leaning my face close to her’s* “Ilibre nyo ako.” *lumingon kay Neem* “Gimmick tayo! Ano? All in???”

<Neem> “Gorabels!!! Itetext ko na si Papa Christian ngayon din!”

“Alex… May sasabihin ako sa’yo… Wag kang magagalit, ha?” Sophie opened up habang nakikipagsayaw si Neem sa boyfriend nya at kaming dalawa lang sa table.  Nandito kami sa bar kung saan kami unang nagkita.

“Ano yun?” Tanong ko.

“Kasi… the reason why I invited you here is because I want to talk to you about something.”

“Like what?”

“Uhh… may hihingin sana ako sa’yong favor kapalit nung pagre-refer ko sa inyo…”

“Name it! Kahit ano, gagawin ko dahil binigyan mo kami ng ganitong project at dahil kaibigan kita. Anong klaseng favor ba?”

“Kasi ano eh… Ah… eh...—

*laugh* “Ano nga???”

“Pwede ka bang magpanggap na boyfriend ko? May outing kami ng friends ko at kasama dun yung ex-boyfriend at ex-best friend ko. Sinabi ko sa best friend ko at sa pesteng ex ko na kayang kaya ko syang palitan and I have to prove that to them.”

“You don’t need to do such things! Magmumukha ka lang desperada.”

“I need to, Lex. I don’t wanna look like a looser! And that’s right – I’m desperate. So please do this for me. Please?”

“Eh bakit naman kasi ako?! Kung gusto mo talagang magpanggap, iba nalang ang ayain mo.”

“Eh ikaw lang naman ang friend kong ganyan eh! You know I hate guys so much, at ayoko nang lumapit sa mga lalaki. Since hindi ka naman talaga totally na parang gay kumilos at magsalita, I thought suited ka to be my fake boyfriend. Konting adjustments nalang ang gagawin, and you’re perfect!”

“Maghanap ka nalang ng iba. Marami pang iba dyan! Marami ka namang pera, kayang-kaya mo yun! Magpa-audition ka, or—

“Lex, I feel safe when I’m with you.”

IHYBF (I Hate You Best Friend!) [FIN]Where stories live. Discover now