Chapter 2

73 1 0
                                    

Chapter 2

-------------

JINX

“Kumusta na kaya si girl?” tanong ni Neem habang naglalagay ng pin sa wardrobe.

“Hoy!” he called out dahil hindi ako nag-react.

“Bakit ba??!” inis kong sabi.

“Galit??? Over ka ha?! I’m glad hindi mo kagaya si Papa Christian ko. Kung ganyan lang magiging jowa ko? Ay…! Itatapon ko sa creek ng bonggang bongga!”

“Ikaw kaya ang itapon ko sa creek ng bonggang bongga??! Wag mo na ngang ipaalala yung babaeng yun! Tsk.”

---Flashback---

“Uhh… nasan ako?” tanong nya habang hinihimas ang ulo sa sobrang hilo.

“Welcome ladies and gentlemen sa apartment ng friendship ko! Nalasing ka ng bonggacious kagaveh, so dinala ka namin dito. Kawawa ka naman kasi…” <Neem>

“Ah, ganun ba? Naku, salamat ah?”

“Eh—hEM!” I said. Nasa table ako at nagkakape nung mga panahon na ‘yun. Tinignan ko si Neem para ipaalala sa kanyang sabihin na ako ang nagbayad sa drinks nung babae.

“Ah, eh… Atey! Kasi, si friendship ko… sya yung nagbayad ng mga ininom mo kagaveh… Eh—

“Ganun? Oh, sure, I’ll pay back… Where’s my…

“Wallet? Wala kaming nakitang wallet sayo. Kaya nga kami ang nagbayad ng drinks mo eh.” I said.

“No, my bag…”

“Wala ka ring bag.”

“What??? Nandoon lahat ng—Shit! My phone! My… my… my car! Nasaan ang kotse ko???”

“Aba, malay ba namin sa kotse mo!”

“Oh my gosh! I have to get my car!” nagmamadali syang umalis. But she got back.

“Pautang.” She said.

“What the—? Sumusob—

“Please, please… Pautang muna. I promise, babayaran din kita.”

Guess what? Pinautang ko. Kainis lang… Bakit wala akong nagawa? Tsk! Kapal din ng mukha nya! Daig ko pa na-hold up ah?!

“Eh friendship… papano yan? Balikan ka pa kaya nya??? Hindi nga tayo nakapagpakilala… Hindi rin natin alam name nya…” tanong ni Neem sa’kin.

“Pabayaan mo na.” mahina kong sabi.

“What??? Tama ba ang narinig ng earsung ko??? Pabayaan na??? Wow, ha? For the first time, hindi ka nagkuripot ngayon!”

*phone rings*

Mr. Lee, calling…

“Hello? - - Oh, Mr. Lee! Kumusta po? We’ve almost finished—What?? - - Ika-cancel nyo po yung suits na order nyo? - - Ha? - - Eh sir, usapan na natin na - - Sir? Sir?” (He hung up on me.)

“Damn!”

“Ano daw yun?”

“Cancel daw yung suits.”

“Ha? Eh pano na tetch?”

“Ewan. Aaahhh! Kainis! Bakit ba puro kamalasan nalang ang nangyayari sa’kin??!”

Bigla ko nalang naisip na baka may kasamang sumpa yung freak na babaeng yun, then I thought na mas mabuti pa kung hindi nalang kami magkita ulit. Sana nga hindi na kami magkita.

IHYBF (I Hate You Best Friend!) [FIN]Where stories live. Discover now