Chapter 5

53 2 0
                                    

Chapter 5

-------------

TROUBLES ON BEING SLOW-MINDED

‘I feel safe when I’m with you.’ – nauto nya ako sa mga salitang ‘yon. Pumayag akong magpanggap na boyfriend nya kahit alam kong kalokohan lang yun. Huli na nang maisip kong delikado pala ang friendship namin kung malaman nya ang totoo – that I’m not gay… and I’m in-love with her.

Ramdam kong pabilis ng pabilis ang araw hanggang sa dumating ang outing na iyon. A beach somewhere in Surigao. Private resort ng kaibigan ni Sophie. Now I’ve realized kung gaano katataas ang crowd where she belongs, the kind of people that I’m not anymore.

Blue water, white sand, fresh air. Maganda ‘tong lugar pero mas pipiliin ko pang mag-stay nalang sa maliit kong apartment kesa dito. Papaano ba kasi ako napunta sa ganitong sitwasyon? Wala pa man eh para na akong iniipit sa dalawang nag-uumpugang bato.

“Hey guys!” <Sophie to her friends>

“Hey Sophie!” <friends>

She’s just smiling. Kahit pa kaharap nya yung dati nyang boyfriend na kasama yung bestfriend nya pagkatapos nya itong awayin sa sarili nitong shop. Tindi rin palang makipagplastikan ng mga ‘to? Hanep ah…

“And who’s the guy?” <friend #1>

“Oops… sorry. How rude of me. Alexis, meet my friends – Ritch, her boyfriend Nick, Finn, her boyfriend Paolo, Chelsea, Rhiann, and… uhh… Jessica, and my ex James. Guys, meet Alexis – my new BOYFRIEND.” Mariin ang pagkakabanggit nya sa salitang ‘boyfriend’, na hindi ko alam kung nakakatuwa ba o nakakakaba.

“Just call me Lex.” I said, offering handshake to everybody. When James took my hand, hindi ko alam kung feeling ko lang, o talagang mabigat ang kamay nya sa’kin. He’s more like squeezing juice out of a citrus fruit sa sobrang bigat ng hawak nya sa kamay ko. Not to mention, ang sama rin ng tingin nya sa’kin.

“Wow… nakahanap ka ng ganun kabilis?” <Finn to Sophie>

“Yeah... The first time I saw him, I knew it is love.” Malambing na sagot ni Sophie sabay yakap sa’kin, nakadikit ang pisngi nya sa dibdib ko. I felt stiff. Ganito ba talaga kalambing si Sophie? Wag naman sana… kasi kung ganito kami ng tatlong araw, baka mamatay ako sa atake sa puso at pagpipigil sa sarili.

“Sophie… hindi naman kaya nagmamadali ka lang makahanap ng ipapalit kay James para hindi ka magmukhang kawawa?” <Jess>

Nag-iba ang tono ni Sophie – now more of boastfulness plus hatred. “Of course not… I’ve just realized that there’s some other person that’s more than him.”

“Really now?” <Jess>

“Sure ka bang mahal ka nya?” <James>

“Syempre naman!” <Sophie>

“Talaga lang ah…? Kaya pala ilang na ilang sya sa yakap mo.”

Napansin pala nila. Hindi ko kasi macontrol ang sarili kong maging kalmado. Ilang na ilang kasi talaga ako sa ginagawa nya. She looked up to me – *tinging masama*. Kasalanan ko pa? Tss.

“Ahh… medyo mahiyain kasi s’ya. So reserved when other people’s around… pero sobrang sweet kapag kaming dalawa lang.” <Sophie>

“Oh… I see. So okay lang sa inyo na isang room with one bed lang kayo? Nagbakasyon din kasi sila tito at tita with my cousins and their friends here nang hindi ko alam. We didn’t have so much rooms left. Sina Jess and James, pumayag.” <Finn>

“Well then, sige. Okay lang sa’min yun.” *looked up to me* “Diba, babe?”

Babe??? Saka anu daw? Iisang kwarto at iisang kama??

“Uhh…” Teka, sandali. Iisipin ko munang mabuti dahil baka mapahamak nanaman ako dahil sa bagal kong magdecide.

Siniko nya ako dahil sa matagal kong pagsagot.

Mukhang lagot ako sa kanya kapag hindi ako pumayag.

“S-sure. Okay lang… babe.” I finally said.

Shhhhhit…. (-_-)

IHYBF (I Hate You Best Friend!) [FIN]Where stories live. Discover now