IHYBF (I Hate You Best Friend!)

230 1 0
                                    

In this one big world of too many people, you’ll gonna find someone who’ll make you smile, laugh, trash-talk, and go crazy unlike any other. A very special person – your BEST FRIEND.

She’s the one I can’t afford to loose. Kaya gagawin ko ang lahat just to make her step back into my life. I’m Lex Torres and this is my story.

IHYBF (I Hate You Best Friend!)

Chapter 1

-------------

THE ALCO-FREAK

‘Hey! Isa pa sabing gin tonic eh!’

‘Miss, masyado na po kayong lasing, baka hindi na po kayo makauwi nyan!’

‘Damn! Anu bah! Waiter ka ba o guidance councelor??? Sinabi nang kaya ko ‘to! Kaya ko sarili ko!’

‘Pero ma’am…’

‘What? Don’t worry… I’m gonna pay naman ah?! Just give it to me!’

Narinig naming usapan ng customer at bartender. Hindi naman kasi sila masyadong nagsisigawan kaya narinig namin yung buong usapan nila from our seat.

“Over ha??? Magwala daw ba??? Sayang… ang gandang babae pa naman!” comment ni Neem – my secretary/ assistant sa maliit kong clothing business. I’m a designer, by the way.

Nandito kami sa bar para uminom at mag-unwind, pero ito – nakaka-hassle na eksena ang naabutan namin.

“Tss… Nakakawala ng good vibes.” Sabi ko. Tinitignan ko sya habang umiinom. She’s so unfortunate… but she’s the one to blame. Parang maton kung uminom at walang pakialam kung makakauwi pa s’yang buo ang pagkatao n’ya. Anyway, kawawa rin pala yung bartender. Walang magawa.

“True. Now pa na finally naaya kitang mag-bar hopping. Pero okay lang ‘yan! Let’s just dance and drink to the max!”

“Ikaw lang. Magda-drive ako eh.”

“Sus… Kunwari pa… Eh mahina ka naman talagang uminom kahit dati!”

 “Baka kasi pagsamantalahan mo ‘ko kaya hindi ako nagpapakalasing.”

“Ang sabihin mo, weak ka! Limang shots lang, knock out ka na!” *laughs*

I smirked. Alam nya talaga kung paano ako pikunin. Bukod sa pagiging assistant ko, Neem is my long-time friend. Kaya alam na alam n’yang hanggang five shots lang ako.

“I’ll go get some drinks. Ano’ng gusto mo?” I said.

“Vodka please.”

Pumunta ako sa counter to order drinks, sitting on the stool near the freak. She’s staring at me all of a sudden. I don’t know why. So I asked, “Uhh… Miss, are y—

She fainted – Dropped – As in walang malay.

“Neem…”

“Yes, Lex?”

“Parang ayoko nang gumimmick uli.”

I am now looking at her – the freak. Hinimatay s’ya sa harap ko kanina. Hanggang sa magsara yung bar eh wala paring malay kaya ako ang nagbayad ng drinks nya, no matter how much I insist na hindi ko sya kilala. Here she is – sa kwarto ko. She’s lying on my bed, Neem sitting at its side, me leaning on the wall.

“Pano naman, Lex! I told you iwanan nalang natin sa hotel, pero ipinilit galore mo parin na iuwi dito sa apartment mo!”

“Neem… Just in case you forgot… I spent thousands of pesos for her drinks, tapos iche-check-in ko pa sa hotel??? Karagdagang expense nanaman yun! Buti sana kung may wallet tong babaeng ‘to, eh wala naman! Wala pa man din yung payment ni Mr. Lee sa designs ko, inubos na agad nitong --- hmm!” Gigil kong sabi.

“Oh, easy…! Kawawa naman… Feeling ko nanakawan pa sa bar si girl.”

“Pa’nong hindi mananakawan, eh lasing na lasing, oh?! Tignan mo nga! Buti nga gamit lang ang nanakaw dyan eh!”

“Korek! Pero Lex, look at her… Parang familiar din yung fez… Hindi ko lang maalala kung saan ko na-sighting ang beauty nya.”

“Baka taong bar yan kaya familiar sayo. Saka pati ba naman ‘yun, poproblemahin ko pa? Andami nang binigay na hassle n’yang babaeng yan sa’kin! Problema ko ngayon kung paano n’ya ako mababayaran.”

“I think mababayaran ka naman nya. Mukhang mayaman si ateng, oh? Kutis artista! Lahat ng gamit, signatured!”

“Sana naman! Gipit ako sa pera ngayon at hindi ako pwedeng lumapit sa pamilya ko para lang mairaos ko ‘tong career at yung shop ko na ipinaglaban ko sa kanila.”

“Magdrama daw ba?”

“Tss… Dito ka na matulog, Neem ah? Ikaw mag-asikaso dito.”

“Halalalalala…? P.A. na rin pala nya aketch ngayon??? Kaloka..!”

“Dadagdagan ko sweldo mo. Goodnight!”

I walked out. I guess sa shop ako matutulog ngayon. Damn. (-_-)

IHYBF (I Hate You Best Friend!) [FIN]Where stories live. Discover now