Chapter 6: Fascination for Madness

128K 5.3K 1.6K
                                    

6.

Fascination for Madness

Maddy


"Sissy naman eh, 'wag kang malikot!" Giit ni Kiana na tila ba nagco-concentrate ng maigi habang nilalagyan ng pink nail polish ang mga kuko sa daliri ko.

"Hindi ako malikot! Hindi ka lang talaga marunong maglagay, kita mo lumabas na sa kuko ko!" Giit ko habang pinipigilan ang sarili kong pagsasampalin siya dahil sa ginagawa niya. Bilhan ba naman ako ng pink nail polish and the worst part? With glitters pa!

"And presto! Now be careful with your pretty nails okay?" Pagmamalaki niya habang pinapaypayan ang mga kamay ko. Aning na bata, pati pamaypay niya color sky blue tapos with glitters pa.

"Wala ka bang mga kaibigan na ka-edad mo lang? You're still in highschool, dapat andun ka sa cafeteria na pang-high school. Hindi mo ba nakikita yung karatula na for college kids' caf 'to?" Sarkastiko kong sambit sa kanya pero ngumiti lamang siya ng tipid bilang sagot.

"You don't have friends?" Tanong ko dahilan para mapasandal siya sa kinauupuan at mapabuntong-hininga.

"I think I have friends but I don't think they consider me as their friend. Ayoko lang ding maging assuming. I mean, who would even want to be friends with a horrible person like me?" Natatawa niyang sambit habang pinapaypayan parin ang mga daliri kong nakapatong sa mesa.

"For a very immature yet sossy kid like you, you're kinda pessimistic." Natawa na lamang ako.

"I'm not pessimistic, I'm just aware that I'm not that likeable. I'm a horrible person Sissy. I know you find me annoying too, you don't have to deny it." Nakangiti niyang sambit pero sa kabila nito ay nakikita ko parin ang lungkot sa mga mata niya.

"What's with the look?" Bigla niyang tanong habang naniningkit ang mga mata.

"What look? The pink and disgusting look?" Tanong ko sabay turo sa sarili ko at sa ribbon na nasa tuktok ng ulo ko.

"Nope... the way you look at me... you find me pathetic don't you?" Nakangiti niyang sambit.

"I find you pathetic because you wear sky blue everything." Pag-amin ko dahilan para muli siyang tumawa.

"Sissy naman eh, ang hirap mong espelengin. Hindi ko alam kung nagbibiro ka o serious na yang sinasabi mo." Aniya saka napabuntong-hininga, "Anyways, you don't have to feel sorry or whatever. I already accepted the fact that not everyone likes me... heck I think no one even likes me but it's okay, in the end, it's just you versus the world." Dagdag pa niya dahilan para makunot ang noo ko. Aning na bata talaga. Pero come to think of it, I love the way she thinks.

"Nga pala Sissy, ba't ka nag-absent sa work kagabi? Kainis, akala ko nandun ka pero si benedicto lang ang naabutan ko dun." Nanlulumo niyang sambit.

Hay, paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na umabsent ako kagabi para lang mag-research tungkol sa pumatay sa kapatid niya—sa The Croaker. Pero nakakainis lang, kahit hinalughog ko na ang buong search results ng google at public library ay wala talaga akong natagpuang kahit na ano tungkol sa The Croaker na 'yon. Si Kalvin naman parang wala sa sarili kakahanap kay Naomi. Ay tama! Buti pang si Aning nalang 'tong tatanungin ko.

"Kiana ano ba yung The Croaker? Palaka ba yun?" Tanong ko dahilan para tuluyang mawala ang ngiti sa mukha niya.

"Saan mo narinig ang tungkol diyan?" Aniya na para bang gulat na alam ko ang tungkol dito. Wait, don't tell me The Croaker is supposed to be Eastridge's dirty murderous secret?

"Kiana alam mo, halata namang hindi ka pa nakaka-move on sa kapatid mo eh. Alam mo bang mas gagagaan ang pakiramdam mo kapag may mapagsasabihan ka tungkol diyan? I'm all ears Kiana." Pangungumbinsi ko pero umiling-iling lamang siya.

Skeletons in her closetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon